Direktor, sinabing gusgusin na raw si Richard Gomez

Direktor, sinabing gusgusin na raw si Richard Gomez
PHOTO : Ronaldo Carballo and Richard Gomez

Viral ang larawan ng dating matinee idol na si Richard Gomez, ngunit may isang direktor ang nagsabing nawala na umano ang bakas ng pagiging heartthrob ng aktor.

Isa sa nagbigay ng kaniyang komento ang writer-direktor na si Ronaldo Carballo sa kaniyang social media, ibinahagi niya na mukhang napabayaan na ni Richard ang kaniyang sarili at nagmukha itong gusgusin.

Direktor, sinabing gusgusin na raw si Richard Gomez
PHOTO : Richard Gomez before and now

Social media post ni Ronaldo tungkol kay Richard Gomez

Aniya : “Matagal ko na syang hindi nakikita. Ganito na ba talaga ang itsura ni Richard Gomez now at 58?”

Pinuna rin ng direktor ang mahabang buhok ni Goma at hinihiling nito na sana raw ay imonitor rin ni Lucy Torres ang pisikal at pangangatawan ni Richard.

Ani Ronaldo : “Parang masyado naman nyang in-internalized ang kanyang pagiging Farmer at Pulitiko sa Probinsya.”

“Hindi man lang makapagpa-haircut. Naku, kung hindi sana sya nag-Pulitiko, aktibo pa rin sana syang leading man sa TV at Pelikula at magandang lalaki pa rin sya hanggang ngayon,

“Nakaka-miss ang kaibigang aktor at nag-iisang Adonis ng Pelikulang Pilipino,

“Ok lang kung medyo tumambok ang tyan. wag lang pabayaan ang sarili na mukhang gusgusin o very untidy. hindi naman komo di na sya naga-artista pababayaan na nya ang looks nya na pwede pa naman i-maintain.

“Sana as a wife, inaalagaan at minu-monitor din ni lucy ang itsura ni Goms [Richard]. Magpa-haircut man lang,” dagdag pa ng direktor.

Richard Gomez at Lucy Torres timeline

Noong April 28, masayang nagdiwang si Ormoc, City Mayor Lucy Torres-Gomez at si Leyte 4th District Representative Richard Gomez ng kanilang 26th wedding anniversary.

Ikinasal sila noong April 28, 1998 sa St. Peter at Paul Church sa Ormoc, City.

Narito naman ang komento ng mga netizens sa viral na mga larawan ni Richard Gomez.

Anila : “D na sya conscious sa itsura nya kc d na sya nag aartista, si Aga super groom pa rin kc lumalabas pa rin, si Robin nagpatubo na ng makapal na bigote kc d na rin lumalabas”

“Nagulat nga ako. Ganyan na bigla. Tapos medyo lumaki na rin ang kanyang tiyan, dun sa video minsang sumasayaw sila ni Lucy,”