Direktor, pumalag sa pagpasok ni Kim Domingo sa Batang Quiapo

Direktor, pumalag sa pagpasok ni Kim Domingo sa Batang Quiapo
PHOTO : Ronaldo Carballo and Kim Domingi

Pumalag ang direktor at manunulat na si Ronaldo Carballo sa pagpasok kay Kim Domingo sa serye ni Coco Martin na Batang Quiapo.

Kung ating babalikan, naging usap-usapan sa social media ang pagpasok ni Kim sa Batang Quiapo, naging pala-isipan rin sa marami kung ano ang role nito sa serye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

July 16, naipalabas na ang unang episode ni Kim sa Batang Quiapo bilang si Madonna, hindi lingid sa kaalaman ng marami na ito ang unang proyekto ng dating sexy aktres sa Kapamilya Network.

Kim Domingo, bagong karakter sa Batang Quiapo ni Coco Martin
PHOTO : Coco Martin and Kim Domingo

Ronaldo Carballo throws shady post to Kim Domingo

Isa ang direktor at manunulat na si Ronaldo ang kontra sa pagpasok ni Kim sa serye ni Coco, ibinahagi rin nito sa kaniyang social media ang pagtawag niya kay Domingo na “ham actress” at “pokpok”.

Panimula niya : “Ay, nagpasok na rin ng pokpok na ham actress na isinuka ng GMA7 ang Teleseryeng “Batang Quiapo”.”

Ayon pa sa direktor na sobrang layo ni Domingo sa aktres-vlogger na si Ivana Alawi, dito na niya sinabi na sayang umano si Ivana dahil aalis na ito sa serye at mas magaling pa umano ito kay Kim.

Aniya : “Sayang kase, umalis na si Ivana Alawi sa show as Bubbles. si Ivana na tunay na maganda, sexy at tunay na mahusay na aktres.”

Ibinahagi rin ni Ronaldo na ini-invade na umano ng mga pokpok at porn stars ang mga prime teleserye sa kahit saang TV network.

Dagdag pa niya : ““Haaaay… ini-envade na ng mga pokpok at porn stars na walang talent sa acting at all, ang mga Prime Teleserye.”

Kim Domingo, matagal nang tumigil sa pagpapa-sexy

Nagsimula ang showbiz career ni Kim Domingo sa Kapuso Network bilang isang sexy star, ngunit nang umpisahan niya ang kaniyang Youtube channel dito na niya inamin na tumigil na siya sa kaniyang pagpapa-sexy.

Sa kanyang unang video sa YouTube, isa sa kanyang mga desisyon ang ihinto na ang kanyang sexy image.

Ayon kay Kim, hindi ito madali para sa kaniya dahil marami sa mga netizens ang hindi siya agad naintindihan sa kanyang desisyon.

Aminado rin si Kim na simula noong tinigil niya na ang kaniyang sexy image ay maraming nawala sa kaniyang mga fans.

Aniya : “Yung mga dating humahanga sa akin, sumusuporta noong time na hubadera ako, ang dami nila! As in, ang tunog ng pangalang Kim Domingo, pantasya ng bayan.

Kim Domingo, naramdaman ang tunay na respeto

Masaya si Kim sa kaniyang desisyon na tumigil sa pagpapa-sexy kahit maraming fans ang nawala sa kaniya, aminado rin ang aktres na masarap sa pakiramdam na iba ang respeto sa kaniya ng mga tao ngayon.

Aniya : “Ang daming taong mas nakaka-appreciate ngayon sa akin. Doon ako nagti-thank you. Ganito pala yung lasa ng nirerespeto ka. Mas masarap siya kesa doon sa mga ‘Ang sexy mo, ang hot mo!’”

“‘Ang sexy mo,’ ayoko na ng ganon! Gusto ko na ‘yung ‘Ang galing mo Kim.’ Mas gusto kong mapapansin ‘yung talent ko. ‘Yung ako bilang aktres. ‘Yung ako bilang artista. ‘Yun ‘yung mas gusto kong mapansin sa akin ng tao.”