Cristine Reyes, hiwalay na sa aktor na si Marco Gumabao?

Cristine Reyes, hiwalay na sa aktor na si Marco Gumabao?
PHOTO : Cristine Reyes and Marco Gumabao

Ang mga artistang sina Cristine Reyes at Marco Gumabao ang pinaka-bagong celebrity couple na iniintrigang hiwalay na umano.

Kasunod nito, nagsalita na si Cristine kaugnay sa kumakalat na tsikang hiwalay na sila ni Marco.

Cristine Reyes, wala sa birthday celebration ni Marco Gumabao

Nag-umpisa ang espekulasyon matapos ang 30th birthday celebration ni Marco noong August 14, nang mapansin ng mga followers niya na wala si Cristine sa nasabing pagdiriwang.

Cristine Reyes, hiwalay na sa aktor na si Marco Gumabao?
PHOTO : Cristine Reyes and Marco Gumabao

Bukod dito, kapansin-pansin na hindi nabanggit ni Marco ang pangalan ni Cristine sa kanyang birthday post.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Marco, “Not so Dirty Thirty. Grabe, parang kailan lang 29 pa lang ako, ngayon 30 yrs old na.”

“Of course I wanna thank God for all the blessings that He has given me. Also, all the trials, hardships, and lessons that came into my life because that’s what made me the man I am today…” dagdag niya.

Lalo pang naghinala ang maraming netizens nang makita nilang naka-deactivate ang Instagram account ni Cristine. 

Dahil dito, hindi maiwasan ng iba na isipin na hiwalay na nga sila.

Mga komento ng netizens:

“Napansin ko lang bat wala si Cristine Reyes sa celebration.”

“Kaya nga wala na ding IG si Cristine, naka-deactivate ata.”

“Nakakalungkot naman… idol ko rin sila. Bakit po kaya present si Barbie Imperial? Just asking po.”

Cristine Reyes, nilinaw ang tunay na estado ng relasyon nila ni Marco Gumabao

Ngunit wala pang isang araw mula nang umugong ang isyu, agad itong pinabulaanan ni Cristine sa pamamagitan ng pagbati kay Marco sa kanyang Facebook story.

Ayon kay Cristine, “Mahal ko yan. 30 na yan siya.”

Binati rin ni Cristine ang kanyang ama na nagdiriwang din ng kaarawan. 

Aniya, “HBD rin sa unang nag-alaga sa’kin. Unang mahal ko… Daddy Metreng! Same bday pa ng love love ko din yan @gumabaomarco.”

Bukod sa post ni Cristine, ibinahagi rin ni Marco sa kanyang Instagram story ang simpleng celebration nilang magkasintahan, kung saan makikita silang nag-cheers.

Aniya, “Cheers to 30!”

Samantala, ngayong Linggo, August 18, makikitang bumalik na ang Instagram account ni Cristine, kung saan ang kanyang unang post ay serye ng sweet pictures nila ni Marco.

Sa caption, inihayag ni Cristine ang kanyang good luck para sa birthday concert ni Marco sa GOA Central School. 

Aniya, “Wishing you all the best on your special birthday concert, my Love.”