Cindy Miranda sa bashers ni Xian Lim : “Wag idamay yung movie!”

Cindy Miranda sa bashers ni Xian Lim Wag idamay yung movie
PHOTO : Cindy Miranda and Xian Lim

Naglabas ng opinyon ang aktres na si Cindy Miranda tungkol sa mga isyung ibinabato sa Kapuso aktor at direktor na si Xian Lim.

Hiniling niya sa publiko na huwag idamay ang kanilang pelikula sa mga isyung ito.

Si Cindy ang bida sa bagong horror film ng Viva Films na isinulat at idinirek ni Xian, na “Kuman Thong”.

Base sa ulat ng Bandera, inamin ni Cindy na hindi siya masyadong aktibo sa social media kaya hindi niya lubos na alam ang mga isyu ni Xian, pero may naririnig umano siyang ilang bagay tungkol dito.

Unang beses din umano niyang nakatrabaho si Xian.

Xian Lim, magaan daw katrabaho 

Pero taliwas sa mga iniuugnay na isyu rito, iginiit ni Cindy na magaan at sobrang chill lang katrabaho si Xian.

Cindy Miranda sa bashers ni Xian Lim Wag idamay yung movie
PHOTO : Xian Lim as Director

Aniya, “I have friends telling me about it but for me, it’s my first time to work with direk Xian and napaka-cool po ng vibe, napakabagets. He told us bagets tayo lahat dito. So don’t be shy with whatever it is that you like (or want to do). I think he wasn’t affected (by issues) kasi napakagaan.”

Nilinaw naman ni Cindy na hindi niya ipinagtatanggol si Xian kundi nagsasabi lamang siya ng totoo base sa kanyang karanasan.

Aniya, “I’m not defending Xian. I don’t know whatever issues are against him, I just wanna be honest, I don’t want people to say that I’m defending him, todo tanggol, no, no, no.”

Ayon pa kay Cindy, maski iba nilang kasamahan ay hindi raw nakitang nagalit o narinig na nanigaw si Xian sa set.

Giit ni Cindy, sobrang magalang at marespeto umano si Xian bilang isang direktor.

Cindy, nakiusap sa publiko na huwag idamay ang kanilang movie

Kaya nakiusap si Cindy sa publiko na sana ay huwag idamay ang kanilang pelikula sa mga isyu ni Xian.

Ang tinutukoy na isyu ni Cindy ay may kaugnayan pa rin sa hiwalayan ni Xian at ng Kapamilya actress-host na si Kim Chiu.

Giit ni Cindy, wala sa isip nila ang mga isyu na kinakaharap ni Xian nang gawin nila ang kanilang pelikula.

Aniya, “I hope that the people will separate the issues from him being a director because we made the movie wala sa isip namin itong lahat ng issues na ‘to. Those issues are not part of this movie and sana po huwag po nilang idamay.”

Hinikayat ni Cindy ang publiko na bigyan ng pagkakataon ang kanilang pelikula.

Para kay Cindy, si Xian ay isang mahusay na direktor na seryoso sa kanyang trabaho.

“For me, Xian is a good director. He’s all about work, work. So ihiwalay po nila. I hope they will give this movie a chance and Xian as a director aside from whatever na mga issues.”

“He told us earlier, before we shot the film, dugo’t pawis daw yung binigay nila dito in writing the story. Kaya talagang naniniwala din po ako sa istorya ng ‘Kuman Thong,’” dagdag niya.