Chloe San Jose umamin, “mayaman na juts” ang gustong boyfriend

Chloe San Jose umamin, “mayaman na juts” ang gustong boyfriend
PHOTO : Chloe San Jose and Carlos Yulo

Muli na namang nag-trending sa social media ang girlfriend ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose

Ito’y matapos kumalat ang video ng isang lumang interview niya, kung saan tinanong siya ng content creator na si Tiyo Bri kung ano ang pipiliin niya: “broke guys na daks” o “mayaman na juts.”

Para sa mga hindi nakakaalam, ang “broke” ay nangangahulugang “walang pera,” habang ang “daks” naman ay salitang balbal na ang ibig sabihin ay “malaki ang pagkakalaki.” 

Sa kabilang banda, ang “juts” ay salitang balbal para sa lalaking may maliit na pagkakalaki.

Chloe San Jose, “broke guys na daks” ang pipiliin kaysa “mayaman na juts”

Viral ang naging sagot ni Chloe sa tanong ni Tiyo Bri, kung saan mas pinili niya ang mayaman pero juts. 

Ani Chloe, “Mayaman na lang na juts.”

Bukod pa rito, natanong din si Chloe kung siya ay isang aklat, kailan umano siya huling ‘nabuklat.’

Natatawang sagot ni Chloe: “Kahapon!”

Samantala, umani ng samu’t saring reaksyon at komento mula sa netizens ang mga sagot ni Chloe. 

Maraming netizens ang nagsabing dahil sa naging sagot ni Chloe, pinatunayan daw niya na mukha siyang pera.

Matatandaang inakusahan ng marami si Chloe na pera lang ang habol kay Carlos matapos itong makatanggap ng mahigit 100 million na incentives dahil sa pagkasungkit niya ng dalawang gold sa 2024 Paris Olympics.

Chloe San Jose, nagseselos sa coach ni Carlos Yulo?
PHOTO : Hazel Calawod, Carlos Yulo and Chloe San Jose

Ngunit ipinagtanggol ni Tiyo Bri si Chloe mula sa bashers, kung saan nilinaw niyang matagal na ang interview nila ni Chloe at hindi pa mayaman si Carlos noon. 

Kaya hindi raw pwedeng sabihin ng netizens na pera lang ang habol ni Chloe kay Carlos dahil kahit wala pang pera ang huli, nasa tabi na raw siya nito.

Iginiit din ni Tiyo Bri na talagang hinahanapan lang ng butas o ginagawan ng isyu ng bashers si Chloe kaya nila kinalkal ang lumang interview nila na nangyari noon pang 2023. 

Ani Tiyo Bri, “Hinahanapan nila yung bata ng issue dahil nga trending si Carlos Yulo… Pero ito naman yung katotohanan ng buhay… Tandaan niyo lagi na walang babae na pipili ng broke na lalaki. Itong content na to has nothing to do with the pagkatao nung tao. So tigilan niyo na yan.”