Chloe San Jose, pinainit ang netizens sa kanyang ASAP performance

Chloe San Jose, pinainit ang netizens sa kanyang ASAP performance
PHOTO : Chloe San Jose / ASAP performance

Viral sa social media ang naging performance ng girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose matapos itong mag-perform sa ASAP.

Ito ang naging comeback performance ni Chloe sa weekend variety show ng ABS-CBN dahil noon pa man ay nag-guest na ito sa ASAP wayback 2019 nang kinanta nito ang “Dahan” ni Jireh Lim.

Kinanta ni Chloe ang kanta na “Havana” ni Camilla Cabello na sinabayan nito ng isang sexy dance.

Chloe San Jose, walang balak pumasok sa showbiz

Kung ating babalikan, inamin ng girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe na wala siya balak pumasok sa showbiz o maging artista.

Sa isang panayam kay Chloe ng entertainment press sa isang event sa BGC, si Chloe na mismo ang nagsabi na wala siyang balak pumasok sa showbiz.

Sagot ni Chloe : ““No. No, showbiz for me po. I’ll keep creating content lang po.”

Maharlika, sinupalpal si Carlos Yulo at Chloe San Jose

Viral sa social media ang mga binitawang salita ng social media personality na si Maharlika para sa two times gold medalist sa Paris Olympics na si Carlos Yulo.

Maharlika, sinupalpal si Carlos Yulo at Chloe San Jose
PHOTO : Maharlika, Chloe San Jose and Carlos Yulo

Makikita sa viral video na galit na galit si Maharlika dahil sa ginawa umano ni Carlos sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina na si Angelica Yulo.

Para kay Maharlika, darating ang panahon at sisingilin ng karma si Carlos dahil aniya masakit para sa isang magulang at sa isang ina na dapat sila ang kasama ni Carlos at hindi ang ibang tao lalo na sa kanyang tagumpay.

Para naman kay Maharlika, dapat umano hindi sinusuportahan ang mga endorsements ni Carlos, dahil ang maa-ambag lamang umano ni Carlos sa kanyang mga endorsements ay ang maging suwail at bastos na anak.

Aniya : “Dapat hindi sinusuportahan ang mga endorsements niyan.. ano ipro-promote niya sa bayan? ang maging suwail na anak?”

Maharlika, tinawag na “Pambansang Kipay” si Chloe

Sinupalpal rin ni Maharlika ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose at tinawag niya pa itong “pambansang kipay”.

Kini-kwestyon rin nito kung paano ba pinalaki ng kanyang mga magulang si Chloe dahil hindi nito nagawang respetuhin ang mga magulang ni Carlos.

Ani Maharlika : “Paano ba pinalaki itong batang ito ng kanyang [magulang] itong si pambansang kipay (Chloe San Jose)?

“Kasi kung ako ang magulang ng pambansang kipay? hihilain ko ang kipay niyan eh! ikaw gaga ka! punyeta ka eksena ka diba.. erespeto mo ang magulang no matter what.” dagdag pa ni Maharlika.