Chloe, magpapa-tiwakal kung babalik si Carlos sa kanyang Pamilya

Chloe, magpapa-tiwakal kung babalik si Carlos sa kanyang Pamilya
PHOTO : Chloe San Jose and Carlos Yulo

Usap-usapan sa social media ang tungkol sa pagba-banta umano ni Chloe San Jose na magpapa-tiwakal kung sakaling bumalik si Carlos Yulo sa kanyang pamilya.

Kung ating babalikan, ibinahagi ng ama ni Carlos na si Mark Andrew sa social media ang tunay na ugali ni Chloe San Jose sa pamamagitan ng isang shared post.

Sa naturang shared post ng isang Facebook user na may pangalang Gerald Fajardo, dito na nai-kwento ang mga bagay bagay na ginawa ni Chloe para lumayo ang loob ni Carlos sa kanyang pamilya.

Bahagi ng post ni Gerald : “After mong isiksik yung sarili mo [Chloe] sa PAMILYA nya, biglang itutulak mo sila palabas? BUO ang pamilya nyan. Sinira mo…”

Ayon kay Gerald na hinusayan umano ni Chloe na mawala sa paligid ang bawat tao na tunay na sumusuporta kay Carlos lalo na ang kanyang pamilya.

“Yang sinasabi mong ikaw ang kasama sa journey ni caloy sa OLYMPICS , OO… Ikaw nga, ikaw nga talaga. Kase hinusayan mong alisin ang bawat tao sa paligid nya..sinigurado mong mawawala sila.

“Sinabi mong hindi ka priority ni CALOY … Hindi kapaba priority eh magka live in na nga kayo. Tapos yung oras na uuwi na si CALOY, papunta sa PAMILYA nya. Anong ginawa mo? Sinabi mo diba MAGPAPAKAMATAY ka?”

Chloe San Jose, binully ang ina ni Carlos Yulo sa group chat

Sa post ni Gerald, kalakip dito ang mga larawan ng mga private convos na nag-mula sa isang group chat at dito makikita o mababasa kung paano pag-tawanan at i-bully ang ina ni Carlos na si Angelica Yulo ni Chloe San Jose.

Sa mga screenshot makikita ang pambubully ni Chloe sa ina ni Carlos na si Angelica, kalakip ang mga larawan ng panghahambing sa dalawang isda at sinundan ito nang pagha-hamon ni Chloe kay Angelica.

Mark Andrew Yulo, binulgar ang tunay na ugali ni Chloe San Jose
PHOTO : Mark Andrew Yulo shared post

Matatandaang nakauwi na sa bansa si Carlos mula Paris, France kung saan sinalubong siya ng isang engrandeng Heroes welcome noong Miyerkules, August 14.

Ngunit kapansin-pansin na hindi kasama sa mga sumalubong kay Carlos ang kanyang pamilya.

Wala rin ang kanyang pamilya sa ilang welcome party para sa kanya.