Carlos Yulo, sinupalpal ng kaniyang Ama na si Mark Andrew Yulo

Carlos Yulo, sinupalpal ng kaniyang Ama na si Mark Andrew Yulo
PHOTO : Mark Andrew Yulo and Carlos Yulo

Hindi na napigilan ng ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo na pagsabihan at pangaralan ang kaniyang anak tungkol sa personal na isyu nilang mag-pamilya.

Matapos magbahagi si Carlos ng isang positibong mensahe sa kanyang social media account tungkol sa kanyang Paris Journey ay dito na nagkomento ang ama ng atleta.

Sa post ni Carlos : “Embarking on the journey to meet alike athletes that ‘started’ their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!”

Sa kabila ng positibong post na ito ng atleta ay agad na nagkomento dito ang ama ni Carlos para pagsabihan at pangaralan ang kanyang anak.

Ani Mark Andrew Yulo : “Masaya ako sa narating mo nak [emojis] Pero dapat mag-sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong magnanakaw [emojis] para luminis yang imahen mo.”

Netizens, sang-ayon sa komento ng ama ni Carlos Yulo

Marami naman sa mga netizens ang nagulat at nagbigay ng iba’t-ibang reaksyon tungkol sa naging komento ng ama ni Carlos sa kanyang social media post.

Carlos Yulo, inspirasyon pa rin ang pamilya sa kabila ng alitan
PHOTO : Carlos Yulo Family

May mga sumang-ayon sa ama ng atleta at may iilan rin na kumakampi parin kay Carlos.

Anila : “Wala tayo alam sa totoo pero ang alam ko lang kahit anong sama ng magulang, magulang mo pa din yan, nong panahon d mo pa kaya ang magulang ang umalalay sayo. Nong maliit ka.”

“Normal sa mga nanay na makapagsalita ng hindi maganda sa kanilang mga anak dala yun ng bugso ng galit lalu na pag gusto ka nila disiplinahin at ayaw natin makinig pero sa kailaliman ng puso nila ay iba at nasasaktan sila sa ginagawa nila.”

“Pero yung anak na hindi marunong magpatawad oh lumingon sa magulang ay hindi normal yun. Isa yung malaking kalapastanganan una sa utos ng Diyos at pangalawa sa magulang.”

“Bilang isang sikat na manlalaro at nagtataglay ng sinasabi nating sportmanship kayang kaya dapat natin magpakumbaba at panatilihin ang respeto sa bawat isa” ayon ng netizen.