Carlos Yulo at Chloe San Jose, bumida sa Toni Talks

Carlos Yulo at Chloe San Jose, bumida sa Toni Talks
PHOTO : Chloe San Jose, Carlos Yulo and Toni Gonzaga

Viral sa social media ang sneak peak ng panayam nina Carlos Yulo at Chloe San Jose sa Youtube show ni Toni Gonzaga na Toni Talks.

Sa Instagram stories ng girlfriend ni Carlos na si Chloe, dito na nya ibinida ang mga regalo na natanggap nila kay Toni, nakatanggap sila ng payong at bag bilang token of appreciation para sa guesting nila sa “Toni Talks”.

Sa Caption ng mga larawan na kuha sa taping ng Toni Talks, heart to heart talk umano ang napag-usapan nina Carlos, Chloe at Toni.

Caption ni Chloe : “Heart to heart with Ms.@celestinegonzaga @tonitalks_,”.

Carlos at Chloe, mas maki-kilala ng netizens dahil sa Toni Talks

Mukhang malalim umano ang pinag-usapan nilang tatlo at dito mas maki-kilala pa ng mga netizens nang mas malalim si Carlos at Chloe matapos silang maka-tanggap ng samu’t-saring batikos online.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon matapos lumabas ang sneak peak nang guesting nina Carlos at Chloe sa Toni Talks, ayon sa kanila na wala umanong aral na mapupulot sa dalawa.

Ayon sa mga netizens : “Wala ka Naman talaga mapupulot na aral sa kanila., sayang lng oras”

“pangalan pa lang nung dalawa alam mo ng sayang oras ehhh’ ani ng netizens.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakikipag-ayos si Carlos sa kanyang ina na si Angelica Yulo matapos nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon dahil sa pera.

Carlos Yulo and Angelica timeline

Ayon sa mga ulat, pera umano ang ugat ng hindi pagkakaunawaan nina Carlos at Angelica.

Carlos Yulo, kinampihan ang girlfriend laban sa kanyang ina
PHOTO : Chloe San Jose / Carlos Yulo and Angelica Yulo

Hanggang naungkat ang isyu tungkol sa paggamit ni Angelica sa napanalunang pera ni Carlos nang hindi nito alam.

Nasundan ito ng pagsasalita naman si Angelica sa isang interview para itanggi na ninakaw niya ang pera ni Carlos.

Lalong uminit ang isyu nang ituro naman ni Angelica ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose na mitsa ng kanilang hidwaan na mag-ina.

Ngunit kumambyo si Angelica at nag-sorry kay Carlos at sa girlfriend nito matapos magsalita si Carlos para pabulaanan ang lahat ng sinabi ni Angelica.

Sa ngayon, wala pa namang bagong balita kung naayos na ba ni Carlos at kanyang ina ang kanilang relasyon.