Naglabas ng kanyang saloobin ang veteran tv host na si Boy Abunda tungkol sa break up nina Barbie Forteza at Jak Roberto.
Sa latest episode ng ‘Fast Talk With Boy Abunda’, ibinahagi ni Tito Boy na humanga siya kay Barbie Forteza sa paraan nang pag-anunsyo nito sa hiwalayan nila ng aktor na si Jak Roberto.
Ani Tito Boy : “Any goodbye is painful. Lalo na in this context of a romantic relationship. Seven years is a long time, masakit ito.
“Pero ang nakakabilib po is pinili ni Barbie to come from a place of love, pinili ni Barbie in that statement na ang aalalahanin ko ay ‘yung magagandang mga bagay,
“We don’t want to speculate kasi andami-dami po sa social media speculations kung bakit po sila naghiwalay.
“I think we should be praying na sana’y maging maayos kasi seven years from now, when we look back, we’ll be able to connect the dots kaya pala ganu’n.” pahayag ni Boy Abunda.
Barbie Imperial, damay sa breakup nina Barbie Forteza at Jak Roberto
Tila nadawit ang aktres na si Barbie Imperial sa breakup nina Barbie Forteza at Jak Roberto, isang netizen kasi ang napa-komento sa latest post ni Imperial.
Sa isang social media post ni Imperial, dito napa-komento ang isang netizen na tila naliligaw at ibang Barbie ang binuhusan niya ng kanyang pagka-dismaya.
Ani ng netizen : “HIWALAY NA PALA KAYO NI JAK PERO MASAYA KAPA”
Sagot ni Barbie Imperial : “???”
JakBie’s break up
Matapos ang 7 years nilang relasyon, kinumpirma ng kapuso aktres na si Barbie Forteza ang break up nila ng aktor na si Jak Roberto.
Sa isang mahabang social media post, ibinahagi ni Barbie ang mga masasayang pinagsamahan nila ni Jak.
Hindi naman masasakit na salita ang binitawan ni Barbie tungkol kay Jak at tila mas pinuri niya pa ito dahil sa masasaya nilang pinagsamahan.
Ani Barbie : “Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.
“Beautiful goodbye, Jak.
“Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.” bahagi ng post ni Barbie.