Baste Duterte, sinupalpal si Bongbong Marcos Jr.

Baste Duterte, sinupalpal si Bongbong Marcos Jr.
PHOTO : Baste Duterte and Bongbong Marcos Jr.

Sinumbatan ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si Bongbong Marcos Jr. kaugnay sa pagkakaaresto ng kanyang ama.

Baste Duterte, may banat kay Bongbong Marcos

Sa kanyang talumpati para sa pagdiriwang ng ika-88 Araw ng Dabaw nitong March 16, binalikan ni Baste ang papel ng kanyang ama sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani noong 2016, na ipinag-utos ni FPRRD sa kabila ng matinding pagtutol ng marami.

Naglabas ng sama ng loob si Baste dahil ang kanyang ama ang dahilan kung bakit nalibing sa LNMB ang ama ni PBBM, pero tila wala raw itong utang na loob dahil pinakulong nito ang kanyang ama.

Galit na galit na saad ni Baste, “Yung tatay mo [Marcos Sr.] pinalibing ng tatay ko [Duterte], pero yung tatay ko pinakulong mo. P***ngina ka!”

Ang pagpapalibing kay Marcos Sr. sa Libingan Ng Mga Bayani

Matatandaang hindi pumayag ang maraming Pilipino na mailibing si Marcos Sr. na kilala bilang diktador at nagpatupad ng Martial Law noong kanyang pamumuno.

Hanggang noong November 2016, sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, inilibing si Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani matapos ang 27 taong hindi pagkakabilang ng kanyang labi sa naturang sementeryo.

Kung babalikan, taos-pusong nagpasalamat noon si PBBM kay Duterte ng binalikan ng netizens ngayon.

Saad ni Bongbong Marcos Jr. sa isang Facebook post noong November 18, 2016 :  

“Lubos ang aming pasasalamat na pagkatapos ng 27 taon, naging isang katuparan ang mabigay sa aking ama ang tunay at karapat-dapat nyang pagkilala.

“Sa tulong ng ating mahal na Pangulong Rody Duterte, ang Kataas-taasang Hukuman at ang mga taong walang sawang sumusuporta sa aming pamilya, maraming maraming salamat! Nawa’y maging simula ito ng tunay na pagkakaisa ng bawat Pilipino!”

Baste kay Bongbong Marcos ; “You will never be loved.”

Hindi rin napigilan ni Baste na sabihin kay PBBM na hindi siya kailanman mamahalin ng taumbayan gaya ng pagmamahal na natanggap ng kanyang ama.  

Mensahe ni Baste kay PBBM, “Mr. President Marcos, ‘you will never be loved’, especially to us who are calling out Rody Duterte’s name. You will never be loved, Mr. Marcos.”

PBBM, may pahayag sa pagka-aresto ni FPRRD

Masama ang loob ng mga Duterte kay PBBM dahil naniniwala silang ito ang may pakana ng pagkakahuli ng ICC sa kanilang ama.

Ngunit mariing itinanggi ni PBBM na nakipag-ugnayan ang kanyang administrasyon sa International Criminal Court (ICC) para arestuhin si Duterte.

Depensa niya, sumunod lamang sila sa kanilang pangako sa International Police.

Aniya, “We did not do this because it came from the ICC; we did this because Interpol asked us to do it. We have commitments to them, and we live up to those commitments…”

Iginiit din ni Marcos Jr. na hindi tumulong ang kanyang administrasyon sa imbestigasyon ng ICC kaugnay sa kasong kinakaharap ng pangulo dahil sa madugong kampanya nito kontra dr0ga.

Aniya, “Hindi tayo tumutulong sa imbestigasyon ng ICC, pero not on an official level. We didn’t help them in any way. The arrest that we did today was in compliance with our commitments to Interpol…”

Matatandaang inaresto si dating pangulong Duterte noong March 11 sa bisa arrest warant na inilabas ng ICC kaugnay ng kasong crimes against humanity na umano’y naganap sa Pilipinas noong kasagsagan ng kanyang administrasyon.