Barbie, nagsalita tungkol sa balitang nabuntis siya ni Richard

Barbie, nagsalita tungkol sa balitang nabuntis siya ni Richard
PHOTO : Barbie Imperial and Richard Gutierrez

Pumalag ang aktres na si Barbie Imperial matapos lumabas ang chismis na nabuntis umano siya at ang ama ay ang aktor na si Richard Gutierrez.

Ang balitang nabuntis umano si Barbie ay nagmula sa isang page na “Showbizfinds”, sinasabi rin ng naturang page na kay Boy Abunda pa umano inamin ng aktres ang kaniyang pagbubuntis.

Balitang nabuntis si Barbie Imperial, fake news

Kung ating bibisitahin ang page na ito, hindi lang ito gumagawa ng “fake news” tungkol sa aktres na si Barbie Imperial, gayundin sa iba pang mga sikat na artista.

Wala ring katotohanan ang ipinapakalat nitong balita tungkol sa pagbubuntis ni Barbie at si Richard ang ama.

Barbie Imperial, pinapa-report ang page na ‘Showbizfinds”

Dahil sa mga fake news na ibinalita ng Showbizfinds page, pumalag si Barbie at humingi ng tulong sa kaniyang mga followers na mareport ang naturang page.

Ani Barbie : “This page is posting lies and things that I never said. Please report.”

Barbie, nagsalita tungkol sa balitang nabuntis siya ni Richard
PHOTO : Barbie Imperial Facebook post

Barbie Imperial at Richard Gutierrez timeline

“Time is the ultimate truth teller.’

Ito ang naging reaksyon ng netizens matapos mamataang magkasama sa ibang bansa ang rumored celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Noong May 26, trending topic sa social media ang panibagong ‘sighting’ kina Richard at Barbie.

Richard at Barbie, spotted sa South Korea

Viral ang mga litrato ng dalawa na namamasyal sa isang sikat na street food at shopping district sa South Korea na Myeong-dong.

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Grace Yang sa Facebook ang nasabing mga litrato nina Richard at Barbie.

Caption niya sa kanyang post,  “Kayo na maglagay ng captions (laughing emoji)”

Sa isang litrato, nakunan sina Richard at Barbie na naglalakad habang nag-uusap sa gitna ng isang busy street sa Myeong-dong.

Sa isang hiwalay na litrato, makikita naman si Richard na kinukuhanan ng litrato si Barbie.

At isa pang litrato, makikitang game na nagpakuha ng litrato si Barbie kasama ang uploader.

Sarah, ‘no comment’ sa pagkaka-link ni Richard kay Barbie

Minsan na ring natanong ng press si Sarah kung ano ang masasabi niya sa isyung may namamagitan sa pagitan nina Richard at Barbie.

Pero tanging “no comment” lang ang sagot ni Sarah.

Gayunpaman, kinumpirma ni Sarah pareho silang single ni Richard.