Bahay ng Pamilya Yulo for sale, para ibalik ang pera kay Carlos

Bahay ng Pamilya Yulo for sale, para ibalik ang pera kay Carlos
PHOTO : Angelica Yulo Cavite house

Usap-usapan sa social media ang bahay na napundar ni Angelica Yulo mula sa pera ng kanyang anak, for sale diumano ito para maibalik ng buo ang pera kay Carlos.

Ang bahay na ito ay nasa Imus, Cavite at naipundar taong 2016, may karapatan rin si Angelica na ibenta ang property dahil sa kanya ito nakapangalan.

May sukat ang bahay na 50 square-meter lot area at 100 square-meter floor area, fully furnished na rin ang property dahil may kasama na itong 55-inch television, refrigerator, isang split-type aircon, isang window-type aircon, mga motor accessories at spare parts na nagkakahalaga ng PHP300,000.

Masyadong kontrobersyal ang bahay na ito ng pamilya Yulo sa Cavite dahil dito nagsimula ang hidwaan ng mag-ina.

Carlos Yulo at Angelica, money issue

Sa isang panayam kay Angelica, nilinaw nito na wala siyang ninakaw na pera kay Carlos, lahat umano ng pera ay napunta sa bahay bilang investment para may makita umano ang atleta sa pera na napapanalunan niya.

Ani Angelica : “May pumasok sa Landbank account niya [Carlos] na yun ang hawak ko na ATM na puwede kong ma-withdraw.

“Na yun naman ang ginamit ko na ipang-fully pay sa bahay na na-acquire ko noong 2016 sa Cavite kaya hindi nakapangalan sa kanya yon.

“Sa akin nakapangalan kasi kaming dalawang mag-asawa ang nag-acquire 2016, since during that time, wala pa naman siyang big amount of money.

“Sabi ko, i-fully paid na kasi sayang yung malaking interest. Finully paid ko siya so kinuha ko siya [pambayad] sa Landbank account niya [Carlos].

“Nabanggit din naman ng ate niya na, ‘Magbabayad si Mama.’ Ipu-fully paid niya yung bahay.” dagdag ni Angge.

Dito na umano sumama ang timpla ni Carlos sa kanyang ina, harap-harapan nitong sinigawan at tinawag na “Magnanakaw” si Angelica, maaaring ang dahilan ay ginamit ni Angelica ang pera ni Carlos nang walang paalam at pahintulot sa atleta.

Ina ni Carlos Yulo, mas suportado pa ang Japan kaysa sa anak
PHOTO : Angelica Yulo and Carlos Yulo

Binigyang diin rin ni Angelica na hindi niya nilustay ang pera ni Carlos para sa pansariling luho lamang niya, ayon sa ina ng atleta na anytime umano ay pwedi ni Carlos ibenta ang bahay sa Cavite kung gugustuhin nya.

Ani Angelica : “Actually, siya. Sinabi niya yon in front of my face na ninakaw ko yung pera,

“Hindi ko nilustay yung pera niya. Hindi ko ninakaw yung pera niya.

“Ayan, puwede niyang ibenta kung gusto niya. Ibalik lang niya yung dinown namin saka yung binayad namin since 2016 up to 2019.” dagdag ni Angge.

Samantala, may plano rin diumano ang ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo na ibenta ang motorsiklong ibinigay sa kanya ng anak.

Iniisip ni Mark Andrew na ibenta ang motorsiklo para maibalik niya ang pera kay Carlos.