Ashley Ortega, kinumpirma ang relasyon nila ni Mavy Legaspi

Ashley Ortega, kinumpirma ang relasyon nila ni Mavy Legaspi
PHOTO : Ashley Ortega and Mavy Legaspi

Sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ kinumpirma ng kapuso actress na si Ashley Ortega ang tunay na relasyon nila ng aktor na si Mavy Legaspi.

Tanong ni Tito Boy : “Ito’y yes or no lang naman. Oo o hindi, kayo na ba ni Mavy Legaspi?”

Sagot ni Ashley : “I think it’s obvious naman na… yes!”

Paano nagsimula ang relasyon nina Ashley at Mavy?

Sa panayam ni Ashley sa programa ni Tito Boy, dito niya ibinahagi kung paano nagsimula ang relasyon nilang dalawa ni Mavy.

Ayon sa aktres, matagal na silang magkakilala ni Mavy dahil sa kanilang mga common friends at ibinunyag niya rin na last year lang sila nagsimulang mag-date.

Aniya : “Well, I met Mavy a few years ago. Mga bata pa kami noon, eh, I think, when he started signing a contract sa Sparkle.

“But we started hanging out more last year. Tapos doon ko talaga siya nakilala talaga,

“I think it started na parang there was a one night kasama yung mga friends namin, so doon ko siya nakilala.

“Then nagtuloy-tuloy na. And then he asked me out if we can have lunch or dinner together just to get to know each other. Then, nagtuloy-tuloy na.” dagdag ng aktres.

Ashley Ortega, nilinaw na pareho silang single ni Mavy Legaspi

Kung matatandaan, taong 2023 kinumpirma ni Ashley ang breakup nila ng young Mayor ng Lucena City na si Mark Alcala.

Aniya : “Kinonfirm ko naman na I’m single now. Last year pa [2022].

“Ang focus ko talaga is my career right now. Ibubuhos ko ang lahat ng oras ko, ng effort ko sa show na to. Parang there’s so much on my plate right now, ang Hearts on Ice.

“Siyempre, tuloy-tuloy ang taping. Wala pa ring time yung love life.” dagdag ng aktres.

Mavy Legaspi and Kyline Alcantara timeline

Last year din napa-balita ang hiwalayan nina Mavy at Kyline Alcantara sa pamamagitan ng online talk show ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

December 4, 2023 binalita ni Cristy Fermin na ang dahilan umano sa hiwalayan nina Mavy at Kyline ay dahil sa selos.

Ani Cristy : “Hindi na kinaya ni Mavy ang pagiging selosa, insecure nitong si Kyline Alcantara, hinahawakan daw siya sa leeg,

“Wala namang lalaking papayag nang ganoon. Kaya ka nga nakikipag-relasyon para maging masaya at maligaya ka.” dagdag ni Cristy.