Andrea Brillantes, ready na para sa ‘mature roles’

https://chismis.today/andrea-brillantes-ready-na-para-sa-mature-roles/
PHOTO : Andrea Brillantes

Opisyal nang umalis sa ABS-CBN talent management arm na Star Magic ang aktres na si Andrea Brillantes matapos ang halos dalawampung taon bilang talent nito.

Sa isang panayam kamakailan, kinumpirma ni Andrea ang kanyang desisyon na lumipat ng management kasabay ng kanyang pagtanggap ng mas mature na roles sa industriya.

Andrea Brillantes, may bagong management

Nagdesisyon si Andrea na lumipat sa bagong management sa ilalim ni Shirley Kuan, na kilalang manager rin nina Bea Alonzo at Albert Martinez.

Para kay Andrea, ito ay isang bagong yugto sa kanyang karera.

Aniya, “Different era for me, sana maging super blessed itong new era na ito. Sabay-sabay ang mga pagbabago—bagong proyekto, bagong management, at magte-22 na rin ako. Marami pang pwedeng tuklasin sa career ko.”

Andrea Brillantes, abangan sa Batang Quiapo

Bagama’t hindi na bahagi ng Star Magic, mananatili pa ring isang Kapamilya si Andrea.

Sa katunayan, mapapanood siya sa Kapamilya action series ni Coco Martin na “FPJ’s Batang Quiapo,” kung saan gaganap siya bilang bagong karakter.

Samantala, bagama’t walang inilabas na opisyal na pahayag ang Star Magic at si Andrea tungkol sa kanyang pag-alis, lumutang ang iba’t ibang haka-haka.

Ayon sa ilang netizens, maaaring hindi na-renew ang kanyang kontrata bunsod ng mga kontrobersyang kinasangkutan niya, kabilang na ang pagkakaugnay niya sa isyu ng KathNiel o ng dating tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Gayunpaman, para sa iba marahil ay bahagi lang ito ng plano ni Andrea na subukan ang ibang projects, gaya ng mature roles.

Kung matatandaan, unang nakilala si Andrea bilang child actress sa programang “Goin’ Bulilit”.

At mula noon, tuluy-tuloy ang pag-angat ng kanyang pangalan sa showbiz, lalo na nang gumanap siya sa mga teleseryeng ” “Kadenang Ginto,” at “Senior High.”

Dahil sa kanyang husay sa pagganap, itinuring siyang isa sa mga pinakamatagumpay na aktres ng kanyang henerasyon.