Anak ni Francis M. na si Gail Francesca, pinasayaw sa bar

Anak ni Francis M. na si Gail Francesca, pinasayaw sa bar
PHOTO : Gail Francesca Magalona sumayaw sa bar

Viral sa social media ang video ng anak ni Francis Magalona na si Gail Francesca habang pinapasayaw ng kaniyang ina sa stage ng isang bar.

Makikita kasi sa nasabing viral video ang ina ni Gail Francesca na sumigaw pa ng “Go” bago tuluyang sumayaw na ang kaniyang anak sa harap ng mga nag-iinuman.

Agad namang sumayaw si Francesca ng sexy dance at sumabay sa indak ng sikat na kantang “Water ni Tyla”, ang bar na na ito ay located sa Las Pinas, Metro Manila.

Mapapansin rin na nagsisigawan ang mga audience at sabay na nagsi-palakpakan nang nagsimula na si Francesca na sumayaw.

Anak ni Francis M. na si Gail Francesca, pinasayaw sa bar
PHOTO : Gail Francesca Magalona sumayaw sa bar

Matapos mag-viral ang naturang video ay umani ito ng samu’t-saring batikos mula sa netizens, sa ngayon ay burado na ang viral video matapos itong gumawa ng ingay sa social media.

Nakatanggap rin ng batikos mula sa mga netizens ang ina ni Francesca na si Abegail Rait dahil siya pa umano ang pasimuno at pumilit sa kaniyang anak na sumayaw sa harap ng maraming lasing.

Ani ng netizen : “Grabe ikaw sana ang ina ikaw pa ang bumubugaw sa anak mo, ikaw sana ang poprotekta kasi minor pa si Gail francesca.”

Gail Francesca, nagsalita na sa issue matapos sumayaw sa bar

Samantala, agad na nilinaw ni Gail Francesca ang pagsayaw niya sa bar, ayon sa kaniya na ang ginawa lamang nila ay isang bahagi ng promotion, humiling rin siya sa mga netizens na huwag sana silang husgahan agad-agad.

Aniya : “Sana po hindi kayo judgemental. Promotion lang po yung ginawa namin dyan [crying emoji].”

Ina ni Gail Francesca na si Abegail Rait, may patama sa mga judgemental

Sa gitna nang pambabatikos ng mga netizens sa mag-inang Gail Francesca at Abegail Rait dahil sa viral video na nagmula sa isang bar, nagbahagi ng isang quote card ang ina ni Francesca sa social media.

Ayon sa qoutecard ni Abegail : “We are like books. Most people only see our cover, the minority read only the introduction, many people believe the critics. Few will know our content.”