Ama ni Carlos Yulo, bike lang ang gamit papunta sa trabaho

Ama ni Carlos Yulo, bike lang ang gamit papunta sa trabaho
PHOTO : Carlos Yulo and Mark Andrew Yulo

Usap-usapan sa social media ang ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo dahil bike lang pala ang gamit nito papunta sa kanyang trabaho.

Masakit para sa mga netizens nang makita nila ang ama ni Carlos habang nagba-bike lamang ito papunta sa kanyang trabaho bilang travel agent liaison officer sa kabila ng mga magagarang sasakyan na natatanggap ng kanyang anak.

Carlos Yulo, nakatanggap ng maraming sasakyan

Kung ating babalikan, nakatanggap ang atleta mula sa Toyota Motor Philippines ng Toyota Land Cruiser Prado, na may presyong ₱5M.

Pangalawa, ibinahagi sa social media ng Chery Auto Philippines ang pag-tanggap ni Carlos ng brand new Chery Tiggo 7 Pro matapos itong mag-wagi ng dalawang gintong medalya mula sa Paris Olympics 2024.

Ama ni Carlos Yulo, bike lang ang gamit papunta sa trabaho
PHOTO : Carlos Yulo / Chery Auto Philippines

Kaya hindi umano naiintindihan ng mga netizens kung bakit kailangan pa umanong mag-bike ang ama ni Carlos papunta sa kanyang trabaho kung marami naman umanong natanggap na blessing ang kanyang anak gaya na lamang ng mga brand new cars.

Ayon pa sa mga netizens : “Tapos yung anak imbis ang ama una pasakayin sa bagong land cruiser, ay ayun ang pamilya ni goldi at milktea ang nagpaka sasa [sad emojis]”

“May mga anak talaga na kayang tiisin ang magulang.mantalang magulang nagiging selfless once magka anak.sana ma realize ni caloy iyan.oo syempre sasabihin ng iba pinagpaguran nya iyan.pero makita mong nagsasakripisyo magulang mo at may magagawa ka para maging maalwan ang buhay nila ei gawin na lang .tawag diyan pagmamahal.”

Ina ni Carlos Yulo, ayaw sa girlfriend niya na si Chloe San Jose

Matatandaang kamakailan lamang, naging mainit na usapin ang pahayag ng ina ni Carlos na si Angelica Yulo kung saan sinabi niyang nagsimula ang hidwaan nilang mag-ina dahil kay Chloe.

Mariin ding pinabulaanan ni Carlos ang paratang ng kanyang ina na huhuthutan lamang siya ni Chloe ng pera.

Giit ni Carlos, “May sariling income si Chloe. Lahat ng nakikita niyang gamit o yung pagta-travel niya ay galing sa kanyang pinagpaguran.”

Dagdag pa niya, “Bakit naman po ako mauubos? Lahat ng bank accounts ko ay nasa mama ko. May mga instances pa nga na si Chloe ang sumusuporta sa akin.”