Albie Casiño, kinampihan si Nikko Natividad laban kay Vice Ganda

Albie Casiño, kinampihan si Nikko Natividad laban kay Vice Ganda
PHOTO : Albie Casino, Nikko Natividad and Vice Ganda

Nakahanap ng kakampi ang aktor na si Nikko Natividad sa kanyang matapang na pag-call out sa komedyante at It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa isyu ng umano’y pamamahiya ni Vice sa searchee na si Axel Cruz nang sitahin niya ito sa national television dahil sa umano’y pagnanakaw ng halik nito sa searcher na si Christine.

Matatandaang nag-post si Nikko kung saan inihayag niyang naawa siya sa sinapit ni Axel dahil alam umano niya ang pakiramdam ng mapahiya sa TV.

Albie Casiño, kinampihan si Nikko Natividad laban kay Vice Ganda
PHOTO : Nikko Natividad and Vice Ganda

Ipinahiwatig din ni Nikko na maging siya ay biktima rin ng powertripping.

Walang binanggit na pangalan si Nikko sa kanyang now-deleted posts pero agad na nahulaan ng netizens na si Vice ang kanyang tinutukoy dahil sa post niyang: “Lalagyan lang n’ya ng charot sa dulo lulusot na yan.”

Alam ng madlang pipol na madalas magbiro ng below the belt si Vice pero binabawi niya ito at sinasabing “charot lang” o biro lang ang lahat.

Albie, saludo kay Nikko

Samantala, ipinagtanggol naman ni Albie si Nikko.

Sa kanyang Instagram Stories, sinabi ni Albie na saludo siya kay Nikko dahil matapang nitong ipinahayag ang kanyang saloobin hinggil sa isyu kahit na mababangga niya si Vice at ang It’s Showtime na nagpasikat sa kanya.

Ayon pa kay Albie, walang mali sa sinabi ni Nikko dahil may karapatan ito na ibahagi ang kanyang opinyon.

Ani Albie, “Saludo ako sayo brother @nikkonatividad. Wala naman mali sa sinabi ni Nikko, lahat naman tayo may sariling opinyon and we all have the right to voice that.”

Albie, kilalang prangka

Kilalang prangka si Albie na ilang beses nang binatikos dahil sa walang filter niyang pahayag lalo tungkol sa isyu nila noon ng dati niyang girlfriend na si Andi Eigenmann.

Kung matatandaan, hindi itinatago ni Albie ang galit niya kay Andi na dahilan umano kaya naudlot ang kanyang career at nawalan siya ng milyun-milyong piso na proyekto.

Taong 2011 nang masangkot sa paternity issue ng panganay ni Andi na si Ellie si Albie matapos siyang iturong ama ni Andi.

Pero kalaunan, sa tulong ng DNA test, ay lumabas na ang aktor na si Jake Ejercito ang ama ng anak ni Andi.

Gayunpaman, hinahangaan ng marami ang pagiging prangka ni Albie, lalo na nang magsalita siya hinggil sa hindi niya pagdalo sa burol ng ina ni Andi na si veteran actress Jaclyn Jose.

Ayon pa kay Albie, “Unang-una, I just wanna say rest in peace Ms. Jane saka condolences sa lahat ng tao na nagmamahal sa kanya pero hindi naman ako apektado dun. I don’t think my presence would be welcome there so ba’t ako makikiramay, di ba?”