Aktor na si Ken Chan, nagtatago diumano ayon kay Ogie Diaz

Aktor na si Ken Chan, nagtatago diumano ayon kay Ogie Diaz
PHOTO : Ken Chan and Ogie Diaz

Usap-usapan sa social media ang aktor na si Ken Chan matapos itong pag-usapan sa “Showbiz Update” ni Ogie Diaz sa kanilang Youtube channel.

Kung ating babalikan, naging blind item si Ken ng news entertainment website na “Pep.ph” dahil nagkaroon ito ng issue sa kanyang kasosyo sa negosyo, ayon pa sa mga netizens na ito rin umano ang dahilan nang pagka-wala ng aktor sa kanyang weekly show sa Kapuso Network.

Ano Ogie : “Ito na nga, kasi dati may nagdemanda kay Ken Chan parang kasosyo sa negosyo, parang hindi sila nagkapaliwanagan at hindi malinaw ang kanilang usapan kasi ‘yung negosyo na itinayong restaurant ni Ken Chan ay may kasosyo siya ro’n.”

Aktor na si Ken Chan, nagtatago diumano ayon kay Ogie Diaz
PHOTO : Ogie Diaz talks about Ken Chan

Negosyo ni Ken Chan, nalugi

Ayon kay Ogie, hindi umano kumita ang negosyo ni Ken dahilan upang magalit ang kasosyo nito sa negosyo at gustong bawiin ang kanyang investments.

Ani Ogie : “E, tapos hindi naman tumabo sa takilya ika nga, hindi naging successful tapos parang nagkaroon yata ng ‘isoli mo sa akin ‘yung puhunan ko (sabi ng kasosyo).’

“Tapos siyempre merong (sinabi si Ken Chan), ‘o nagnegosyo tayo, anong isosoli ko kung nalugi tayo pareho?’ Pero hindi naman namin alam kung iyon nga ‘yun ha?

“Kasi ‘yun din naman ang nakarating din sa amin (mula sa source) tungkol sa restaurant, so may kinalaman talaga ito sa negosyo na meron siyang investor-partner doon,

“Nakarating sa atin na kaso pa rin ‘yun hanggang ngayon pero parang ang babaw naman ‘yun na huhulihin si Ken Chan?

“Kung kaso ‘yun, e, di harapin niya. May kulong ba ‘yun na nag-invest (at) nalugi (or) otherwise may iba pa silang usapan or may iba pa silang investment na hindi nag-materialize,” kwento ni Ogie.

Ken Chan, lumipad sa ibang bansa

Nakarating rin umano kay Ogie na lumipad papunta sa ibang bansa si Ken, pero hindi sila sigurado kung tinakasan nito ang kanyang problema sa negosyo o nagbakasyon lamang ang aktor.

Pahayag ni Ogie : “Since hindi pa naman confirmed kung tumulak pa-ibang bansa para magtago (ay) baka naman nagbakasyon lang talaga ‘yung bata.

“Anyway, hintayin natin si Ken Chan, baka naman ‘yung nagdemanda kay Ken Chan ay sumagot din (at) magbigay din ng pahayag pero ako naniniwala pag nandoon na sa husgado hindi na dapat kinakalkal ‘yan, eh,” dagdag ni Ogie Diaz.