Ai Ai delas Alas, sinupalpal ang girlfriend ni Carlos Yulo

Ai Ai delas Alas, sinupalpal ang girlfriend ni Carlos Yulo
PHOTO : Ai Ai delas Alas and Chloe San Jose

Sinupalpal ng komedyanteng si Ai Ai delas Alas ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose matapos nitong mapanuod ang interview ni Carlos.

Sa pamamagitan ng isang video, nagbigay ng kaniyang opinyon si Ai Ai kaugnay sa pagkapanalo ni Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics.

Inihayag rin ni Ai Ai kung gaano siya kasaya dahil nakuha ni Carlos ang dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Vikings, nag-offer ng habambuhay na free buffet kay Carlos Yulo
PHOTO : Carlos Yulo / Paris Olympics 2024

Ai Ai, tumaas ang kilay sa bagong interview ni Carlos Yulo

Hindi nakapag-pigil si Ai Ai at agad na nagbigay ng kanyang reaksyon tungkol sa nakita niyang press conference nina Carlos at Chloe San Jose.

“Parang na-off ako kasi si girly habang ini-interview si Carlos, nakasandal dito [sa balikat] ‘yung baba ni ate girl,

“Buti nalang pabilog si ate girl kasi kung ako ang [nakasandal] doon, patay! Sabog ‘yung balikat ni baby boy. Nakakaloka! Buti nalang pabilog siya, hindi siya patulis.” ani Ai Ai.

Nagbigay rin ng payo si Ai Ai para kay Chloe San Jose na sana raw ay wag na itong makisali sa mga interview ni Carlos Yulo dahil naagawan nito ng eksena ang atleta.

“Ate girl, dapat kapag hindi ka naman kasama sa interview, dito ka na lang sa side by side ng darling mo.Kasi siyempre, Olympian ‘yun, siya ‘yung ini-interview. Dapat hindi ka na medyo sumasali ng konti doon sa eksena.

“Tsaka sana doon naman sa mga nang-i-interview, utang na loob, huwag niyo na siya tanungin doon sa [isyu sa pamilya]. Hindi naman showbiz ‘yung bata,” payo ni Ai Ai.

Kung ating babalikan, humingi ng tawad si Angelica Yulo kay Carlos dahil sa pagpuna niya sa girlfriend nito.

Ani Angelica, “Kung mali man ang naging pagpuna ko sa nobya mo, humihingi ako ng patawad dahil nanay lang ako na nag-aalala.”

Tungkol naman sa kanyang nasabi sa isang panayam, iginiit ni Angelica na pagod at puyat lamang siya at hindi niya napag-isipan nang mabuti ang kanyang mga sagot.

Ani Angelica, “Gayunpaman, Humihingi ako ng patawad sa iyo at sa sambayanan sa mga nasabi ko sa interview. Pagod at puyat ako sa kapapanood sa iyo noong mga panahon na iyon. Hindi makatulog sa tuwa kahit tapos na ang iyong laban. Hindi ako nakapag-isip nang mabuti nang nirapido ako ng mga tanong ng mga reporter tungkol sa bagay na dapat ay tayo na lamang ang nag-ayos. Patawad, anak.”

Naiintindihan din ni Angelica na maaaring tingnan ng iba na nagsasalita siya dahil sa tagumpay ni Carlos.

Pero iginiit niya na ang kanyang pagsasalita ay hindi dahil sa kasikatan ni Carlos kundi dahil nais niyang magkaroon ng kapayapaan sa kanilang pamilya.