Ai Ai delas Alas kay Chloe San Jose : “Hindi ka pa asawa!”

Ai Ai delas Alas kay Chloe San Jose : “Hindi ka pa asawa!”
PHOTO : Ai Ai Delas Alas and Chloe San Jose

Sinupalpal ni Ai Ai delas Alas ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose, kaugnay ng pang-aaway umano nito sa ina ng Olympian na si Angelica Yulo.

Hindi na sikreto sa marami na hindi maganda ang relasyon ni Chloe kay Angelica.

Matatandaang sinisi ni Angelica si Chloe sa paglayo ng loob ni Carlos sa kanyang pamilya. 

Bukod dito, ibinunyag din ni Angelica ang diumano’y pambabastos ni Chloe sa kanya, dahilan kung bakit hindi niya ito gusto para kay Carlos.

Ngunit palaban si Chloe at matapang niyang sinagot ang mga pahayag ni Angelica laban sa kanya. 

Sunod-sunod ang patutsada ni Chloe kay Angelica sa kanyang mga post, hindi alintana kay ina ito ng kanyang boyfriend.

Ai Ai, may maanghang na patutsada kay Chloe 

Samantala, nagbigay ng opinyon si Ai Ai tungkol sa isyu sa pagitan nina Chloe at ina ni Carlos. 

Sa isang panayam, pinayuhan ni Ai Ai si Chloe na huwag awayin ang ina ng kanyang boyfriend.

Aniya, “Kasi nanay ‘yan, e. Kung wala ‘yung nanay niya, wala kang darling ngayon. Kaya girl, huwag mo siyang aawayin.”

Hindi rin napigilan ni Ai Ai na supalpalin si Chloe dahil tila umaasta ito na parang asawa na ni Carlos. 

Dagdag niya, “At saka, hindi ka pa asawa, girl. Girlfriend ka pa lang. Pag asawa ka na, pwede na. Pero girlfriend ka pa lang, huwag mo munang awayin.”

Pinaliwanag ni Ai Ai na mahalaga ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa mga magulang ng kasintahan. 

Aniya, “Kasi alam mo naman ang mga mommy, di ba? Isa ‘yan sa mga paraan para maging harmonious ang inyong relationship.”

Naibahagi rin ni Ai Ai na maging siya ay pinapayuhan ang kanyang mga anak na igalang ang mga magulang ng kanilang partners.

Aniya, “Sinasabi ko, ‘O, anak, ha, dapat marunong kang magluto. Dapat lagi mong tinutulungan ang mga in-laws mo. Kailangan lagi kang may ‘po’ at ‘opo’, kasi magulang ‘yan ng asawa mo, dapat nirerespeto mo.”

“Mother knows best”

Matatandaang sa kainitan ng isyu nina Carlos, Chloe, at Angelica, sinabi rin ni Ai Ai na naniniwala siya sa kasabihang “Mother knows best” pagdating sa pag-ibig.

Ai Ai delas Alas, sinupalpal ang girlfriend ni Carlos Yulo
PHOTO : Ai Ai delas Alas and Chloe San Jose

Nasubukan na raw kasi niyang hindi sumunod sa payo ng kanyang magulang pagdating sa pagpili ng karelasyon at hindi raw maganda ang kinahinatnan nito.

Ani Ai Ai, “Siyempre, umiibig ang ating Olympian, pero may kasabihan nga, pag-ibig kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin lahat masunod ka lamang. Pero mas naniniwala ako na ‘Mother knows best’ pagdating sa love life.”

Dagdag pa niya, “Sinasabi ko rin ‘yan sa mga anak ko, kasi naranasan ko na hindi sumunod sa nanay ko pagdating sa lovelife. Ayun, flop lahat. Pero nung nagustuhan ni Gerald, tama na naman si mother. Yun lang, bye.”