Usap-usapan sa social media ang biglaang pag-unfollow ni Jasmine Scales kay JM Ibarra sa kanyang mga social media.
Kung matatandaan, naging maingay ang aminan ni Jas at JM ng kanilang tunay na nararamdaman sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Sinabi ni JM kay Jas na matagal na siyang may gusto rito dahil kawangis umano ng dalaga ang kanyang ina.
Kasunod nito ay ang pagka-evict ni Jas sa PBB house, ngunit habang nasa game room sina JM at Jas, dito na sinambit ni JM ang salitang “wait for me”.
Ibig sabihin diumano nito ay ipagpa-patuloy nila ang nabuo nilang pag-iibigan sa labas ng Bahay Ni Kuya.
The birth of “JMFYANG”
Ngunit habang nasa loob pa si JM ng PBB house ay tila mas naging malapit siya kay Fyang o Sofia Smith.
Mas marami rin sa mga netizens ang kinikilig kay JM at Fyang at dito na nila inilayag ang love team na JMFYANG.
Laman naman ng mga reels at kahit saang social media si JM at Fyang na tila naiwan na sa ere si Jas habang naghihintay sa labas.
Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit bigla na lamang inunfollow ni Jas si JM sa kaniyang mga social media accounts.
Ani ng mga netizen : “Piru bilib din ako ky jas gravi din yung pagmamahal nya ky jm kahit alam nya nasasaktan na sya”
“Tama lang yan jas,Ikaw lang din Ang masasaktan,habang maaga pa,let go na tlga….halata naman kasi na si fyang tlga gusto nya,..kita nman sa kilos nya…maging Masaya ka nalang sa dalawa,..dapat nman kasi jm..di na sya nagbitaw pa ng salita,para dika na umasa…”