Sakit ni Doc Willie Ong, mga bashers umano ang dahilan

Sakit ni Doc Willie Ong, mga bashers umano ang dahilan
PHOTO : Doc Willie Ong

Ibinahagi ni Doc Willie Ong na nagkaroon siya ng “very rare” sarcoma cancer dahil umano sa stress ng bashing sa social media.

Sa video na in-upload ni Doc Willie sa kanyang YouTube channel na may pamagat na “My Battle Against Cancer,” ibinahagi nito ang kanyang pinagdaanan mula sa mga naramdaman niyang sintomas hanggang sa kanyang kasalukuyang kalagayan.

Sumailalim umano siya sa ilang tests at dito ay natukoy ng kanyang mga doktor ang uri ng bukol na tumubo sa kanyang tiyan na isa umanong pambihira at agresibong uri ng cancer na kung tawagin ay sarcoma.

Doc Willie Ong, na-diagnose na may sakit na “very rare” cancer
PHOTO : Doc Willie Ong

Doc Willie Ong, apektado dahil sa social media

Para naman kay Doc Willie, nakuha niya umano ang kanyang sakit dahil sa matinding stress.

Aniya, “Saan ko nakuha to? Tingin ko stress. Kaya kayo, wag kayong magbabasa ng comments sa Facebook.”

“Nas-stress ako sa mga comments. Nas-stress ako sa mga bashers. Nas-stress ako kasi hindi tunay lahat ng sinasabi.”

Payo pa niya, “Kaya kayo ‘wag kayong magbabasa ng comments sa facebook na-stress ako sa mga bashers dshil hindi naman tunay ang mga sinasabi.

“Sobra kong mahal ang mga Pilipino, sobra kong mahal ang mahihirap tapos sasabihin nila ginagamit ko,” dagdag niya.

Samantala, ibinahagi ni Doc Willie na mahirap kalaban ang kanyang cancer.

“Sabi nila makakalbo ako, kaya lets’ pray na gagaling ako. Pero sabi ng duktor ko itong Sarcoma (cancer ay mahirap na kalaban.) Isa sa pinakamahirap na cancer na kulang ang research, kulang ang bagong gamut, medyo miracle dapat (para gumaling).

“Sabi ng doktor ko wag na ako mag-diet, kainin ko lahat ang gusto ko tulad ng steak kasi kailangan ko ng protein, eggs. Sorry ang mga payo ko dati mag-diet pero dapat kainin lahat ng gusto, pero ako hindi ako pwedeng kumain ng marami mabobondat ako”

Samantala, sa isang Facebook post, humingi ng panalangin si Doc Willie.

Aniya, “Until my last breath, I will help our poor Filipinos.

But first, I ask God for a miracle. Please heal this 16 cm inoperable Sarcoma. Give me some more time on earth to prove myself. Amen.”

Get well soon Doc Willie!