Angelica Yulo, naka-tanggap ng “Ulirang Ina” award

Angelica Yulo, naka-tanggap ng "Ulirang Ina" award
PHOTO : Angelica Yulo and Carlos Yulo

Usap-usapan sa social media ang ina ni two-time gold medalist Carlos Yulo, matapos itong maka-tanggap ng “Ulirang Ina” award.

Sa social media post ng Southeast Asian Achievement Awards, dito nila inilarawan si Angelica bilang ulirang ina dahil sa pagiging compassionate, selfless at devoted mother nito para sa kanyang pamilya.

Ani sa caption : “We are thrilled to honor Angelica Yulo with the Inspiring Motherhood Legacy Award at the Southeast Asian Achievement Awards 2024!

“This prestigious recognition highlights Angelica’s remarkable journey as a compassionate, selfless, and devoted mother, embodying the true essence of Ulirang Ina.

“Her unwavering love, strength, and dedication to her family have made her an inspiration to mothers everywhere.

“Angelica, your commitment to nurturing your children with wisdom and care, while balancing the challenges of motherhood, is a shining example of what it means to be a modern-day heroine.

“You have created a lasting legacy, not only for your family but for the countless lives you have touched with your kindness and heart.

“Your story serves as a beacon of hope and inspiration to many. We celebrate your achievements and your beautiful spirit of motherhood, which continues to uplift and empower those around you.” dagdag pa nila.

Angelica Yulo and Carlos timeline

Kung ating babalikan, emosyonal na humingi ng tawad sa kanyang anak na si Carlos si Mrs. Angelica kaugnay ng hindi nila pagkakaunawaan na mag-ina.

Angelica Yulo, handang tanggapin si Carlos may pera man o wala
PHOTO : Angelica Yulo and Carlos Yulo

Sa isang emosyonal na press conference, humarap sa media si Mrs. Angelica kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Raymond Fortun upang tuldukan ang isyu hinggil sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Carlos, pati na rin sa nobya nitong si Chloe San Jose.

Sa kanyang pahayag, inamin ni Angelica na siya’y hindi perpektong ina, ngunit ganun din umano si Carlos bilang anak.

Ani Angelica, “Hindi ako perpektong ina, at alam ng Diyos na hindi ka rin perpektong anak. At walang perpektong pamilya.”

Iginiit din ni Angelica na malinis ang kanyang intensyon kung bakit siya nagsasalita, at wala siyang ibang hangad bilang isang ina kundi ang ikabubuti ng kanyang mga anak.

Aniya, “Walang ibang hangad ang isang ina kung hindi ang ikabubuti ng kanyang anak at sa bawat miyembro ng pamilya. Sa paraan nang marahas at maingay, sana’y maunawaan mo na ang intensiyon ko ay malinis.”

Kasunod nito ay inamin ni Angelica na nasaktan siya dahil hindi na umano nakikinig si Carlos sa kanya.

Aniya, “Ako’y isang inang nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko nang maayos at mabuting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang.”