Lolit Solis kay Alice Guo : “Kung pogi ako liligawan ko siya!”

Lolit Solis kay Alice Guo : “Kung pogi ako liligawan ko siya!”
PHOTO : Lolit Solis and Alice Guo

Ibinahagi ng talent manager na si Lolit Solis kung naging lalaki lamang siya ay liligawan niya si dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

September 9, bilib na bilib si Lolit kay Alice dahil sa tapang na ipinapakita nito sa senate hearing matapos ang pagkaka-huli nito sa Indonesia at pagbalik sa kanya dito sa ating bansa.

Alice Guo nahuli na, matapos palipat-lipat ng hotel sa Indonesia
PHOTO : Alice Guo

Sa social media post ng talent manager, para sa kanya at pinaglalaruan nalang si Alice ang senate hearing lalo na ng mga senador.

Ayon kay Lolit : “Salve buong umaga hanggang tanghali talaga na tutok ako sa Alice Guo sa Senate. Kaloka ha, parang feeling ko punaglalaruan si Alice Guo ha. At hanga ako na ang lakas ng loob niya sa pagharap sa mga senador,

“At isa talaga pumasok sa isip ko Salve at Gorgy wah ba BF si Alice para man lang magbigay emotional support sa kanya. Kung iisipin mo matapang niyang hinaharap ang mga problema niya ha. Bongga ha.

“Very charming siya at dahil sa Pogo connect niya meaning dami niya datung at her age na bata pa kung iisipin mo. Hindi ako magtataka na meron gustong gawin movie ang buhay niya dahil very exciting ha.

“Very colorful at kung iisipin mo ang daming twist ha. At ang dami mong malalaman dahil pati ang corruption sa pagkuha ng birth certificate at passport. Bongga talaga,” pahayag ng talent manager.

Lolit Solis, liligawan si Alice Guo kung lalaki siya

Sa isang social media post ni Lolit, inihayag niya rito na kung lalaki siya ay liligawan niya talaga si Alice.

“Kung pogi akong men ligawan ko talaga si Alice Guo. Pero sabi ni Sen. Jinggoy Estrada meron daw papa na isang Mayor din si Alice Guo, bongga.

“Pero hanga ako sa tatag niya sa pagsagot at tapang na harapin ang mga senators. At hindi siya nagpakita na takot o intimidated siya. Bongga talaga,” dagdag pa ni Lolit Solis.