Angelica Yulo, sinumpa si Carlos na gagapang sa lupa

Angelica Yulo, sinumpa si Carlos na gagapang sa lupa
PHOTO : Angelica Yulo and Carlos Yulo

Ibinunyag ng girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose sa pamamagitan ng isang komento na isinumpa umano ni Angelica si Carlos na gagapang ito sa lupa.

Nagsimula ang pagbubunyag ni Chloe tungkol sa sumpa matapos depensahan ng dalaga ang kanyang boyfriend laban sa komento ng ama ng atleta na si Mark Andrew Yulo sa recent facebook post ni Carlos.

Sa social media account ni Carlos, nagbahagi ito ng isang positibong post hinggil sa pagbalik niya sa France para magbigay suporta sa mga atletang Pinoy na lumalaban sa ginaganap na Paris Paralympics 2024.

Aniya : “Embarking on the journey to meet alike athletes that ‘started’ their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!”

Sa kabila ng positibong post na ito ng atleta ay agad na nag-komento dito ang ama ni Carlos para pagsabihan at pangaralan ang kanyang anak.

Ani Mark Andrew Yulo : “Masaya ako sa narating mo nak [emojis] Pero dapat mag-sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong magnanakaw [emojis] para luminis yang imahen mo.”

Marami naman sa mga netizens ang nagulat at nagbigay ng iba’t-ibang reaksyon tungkol sa naging komento ng ama ni Carlos sa kanyang social media post.

Sa naging komento ng ama ni Carlos ay sumagot si Chloe at sinabing hindi ang ama ng kanyang boyfriend ang sumagot sa post ni Carlos. Feeling niya ay may ibang gumamit sa Facebook account ni Mark Andrew.

Ani Chloe : “Mark Andrew Yulo pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito.”

Angelica Yulo, isinumpa si Carlos na sarili niyang anak

Angelica Yulo, handang tanggapin si Carlos may pera man o wala
PHOTO : Angelica Yulo and Carlos Yulo

Sa mahabang reply ni Chloe, dito na niya ibinunyag ang tungkol sa pagsumpa umano ni Angelica Yulo sa sarili niyang anak na gagapang ito sa lupa at hinding hindi na mananalo kailanman sa olympics.

“bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year… :))” komento ni Chloe.

“sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy [emoji]” dagdag ng dalaga.