BALIKTANAW : AJ Raval, pinatanggal na ang kanyang dibdib

AJ Raval, pinatanggal na ang kanyang dibdib
PHOTO : AJ Raval

Balikan ang pagbahagi ni AJ Raval noong March 30, 2023 ng isang larawan habang ipinapakita niya ang dalawang breast implants na tinanggal sa kanyang katawan.

Kitang-kita ang saya at ginhawa sa mukha ni AJ Raval sa kanyang Instagram post.

Sa nasabing larawan, makikita rin na kagagaling lang ni AJ sa medical procedure para tanggalin ang kanyang breast implants dahil naka-bandage pa ang kanyang dibdib.

Kapansin-pansin din na lumiit ang dibdib ni AJ.

Kita naman sa kanyang mukha na tila gumaan ang kanyang pakiramdam matapos matanggal ang pekeng dibdib niya sa katawan.

Samantala, ayon sa ulat na noong 2022 pa gustong ipatanggal ni AJ ang kanyang breast implants ngunit taong 2023 lang ito nangyari.

Sa isang panayam, inamin naman ni AJ na hindi niya pinag-isipan masyado ang pagpapalagay ng breast implants noong 2020.

Gayunpaman, masaya naman daw siya sa kanyang desisyon.

Pero kaya raw gusto niyang ipatanggal ito dahil nagsimula raw siyang maging ‘conscious’ sa kanyang dibdib.

Nais din umano niyang magkaroon ng ‘freedom’.

Aniya, “Hindi po ako nag-iisip that time. Na-excite po ako masyado. Naging happy naman po ako pero ang dami ko pa rin realizations and I’m planning na ipatanggal ko next year…Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko.”

“Before kasi, hindi naman ako nako-conscious sa boobs ko. Pero ever since na ipinalagay po, dun po ako nag-start na ma-conscious,” dagdag niya.

AJ Raval, ayaw nang magbilad ng katawan

Sa kasalukuyan, inamin ni AJ sa Youtube show ni Julius Babao na tuluyan na niyang kinalimutan ang pagpapa-sexy at pagpapa-kita ng kaniyang katawan sa mga pelikula.

AJ Raval, pinatanggal na ang kanyang dibdib
PHOTO : AJ Raval / Julius Babao

Ayon kay AJ na hindi talaga para sa kanya ang pag-gawa ng mga sexy movies kaya nagdesisyon siya na iwan na ang pag-aartista pansamantala.

“Actually, kagagaling ko lang sa Viva, marami na rin kaming plans this year.” ani AJ.

“Nagpo-focus ako ngayon sa self-improvement. Parang gusto ko gamitin yung career ko, yung influence ko in a good way,” dagdag ni AJ.