Angelica Yulo, nag live selling para kumita ng pera

Angelica Yulo, nag live selling para kumita ng pera
PHOTO : Angelica Yulo live selling

Viral ang live selling video ng ina ni two-time gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo sa social media kahapon September 3.

Sa live selling ng ina ni Carlos, kasama nya rito ang isa pa niyang anak na si Eldrew Yulo na isa ring atleta o gymnast.

Dahil sa sobrang daming viewers ang naka-tambay sa live selling ni Angelica, masaya ito na tinapos ang kanyang live na umabot sa 3 hours at halos maubos rin ang binibenta nilang mga produkto.

Ang mga produkto ni Angelica ay may tag price na P250 para sa binebenta niyang skin care products habang P500 pesos naman ang presyo ng mga branded tshirts.

“To all the miners of premium shirt and blissfull skincares kindly resend again a message and a screenshot coz we can’t see your messages due to end to end encryption to the messenger salamat po. God bless you all.” ani Angelica.

Angelica Yulo, nagbebenta rin ng longganisa

Kung ating babalikan, patok na patok rin ang food business ni Angelica na longganisa, aminado rin ito na kumikita siya ng mahigit sa P84k dahil sa P380 kada kilo ng longganisa ay nakabenta siya ng mahigit 218 kilos sa maikling panahon.

Aniya : “If you wanna live longer, eat YULOngganisa!”

Angelica Yulo, handang tanggapin si Carlos may pera man o wala

Sa kanyang pahayag, inamin ni Angelica na siya’y hindi perpektong ina, ngunit ganun din umano si Carlos bilang anak.

Ani Angelica, “Hindi ako perpektong ina, at alam ng Diyos na hindi ka rin perpektong anak. At walang perpektong pamilya.”

Carlos Yulo, kinampihan ang girlfriend laban sa kanyang ina
PHOTO : Chloe San Jose / Carlos Yulo and Angelica Yulo

Iginiit din ni Angelica na malinis ang kanyang intensyon kung bakit siya nagsasalita, at wala siyang ibang hangad bilang isang ina kundi ang ikabubuti ng kanyang mga anak.

Aniya, “Walang ibang hangad ang isang ina kung hindi ang ikabubuti ng kanyang anak at sa bawat miyembro ng pamilya. Sa paraan nang marahas at maingay, sana’y maunawaan mo na ang intensiyon ko ay malinis.”

Kasunod nito ay inamin ni Angelica na nasaktan siya dahil hindi na umano nakikinig si Carlos sa kanya.

Aniya, “Ako’y isang inang nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko nang maayos at mabuting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang.”