Carlos Yulo, gustong pumasok sa Batang Quiapo ni Coco Martin

Carlos Yulo, gustong pumasok sa Batang Quiapo ni Coco Martin
PHOTO : Coco Martin and Carlos Yulo

Gusto umano ng 2-time gold olympic medalist na si Carlos Yulo ang mag guest sa hit teleserye ni Coco Martin na Batang Quiapo.

Ayon kay Carlos, payag umano siya na magkaroon ng guest appearance sa Batang Quiapo ni Coco kahit wala umano siyang experience sa aktingan.

Aniya : “Kung iimbitahan po ako ni Sir Coco Martin sa ‘Batang Quiapo’ kahit isang shooting day lang, papayag ako.

“Game na game po ako. Bahala na po si Direk Coco kung ano ‘yong magiging role ko,” dagdag ni Carlos.

Carlos Yulo at Chloe San Jose, ikakasal na sa Australia

Ayon kay Cristy Fermin, nakarating umano sa kanya ang balita na magpapa-kasal na sina Carlos Yulo at ang girlfriend nito na si Chloe San Jose sa Australia.

Carlos Yulo at Chloe San Jose, ikakasal na sa Australia
PHOTO : Angelica Yulo, Chloe San Jose and Carlos Yulo

Maliban rin umano sa nasagap niyang chika na magpapa-kasal na ang dalawa, nagbabalak umano ang mga ito na i-invest ang lahat ng milyon-milyong premyo na natanggap ni Carlos.

“Isang source na hindi nanununog at nangunguryente ang nakakuwentuhan ko tungkol kay Carlos Yulo at kay Chloe San Jose.. magpapakasal na raw sila sa Melbourne [Australia].” panimula ni Cristy Fermin.

“Ako nu’ng marinig ko ‘yun, [sabi ko] ‘Tama, matibay na kasi ang kanilang pundasyon.’ At heto lagi nating sinasabi ito, kung sino ‘yung nakasama natin sa dilim na nag-abot ng kahit isang kandila, ‘yun ang ating mamahalin,” dagdag ng kolumnista.

Para naman kay Cristy Fermin na deserved umano nina Carlos at Chloe ang magpa-kasal, dahil noon pa man ay silang dalawa na ang nagda-damayan sa hirap o ginhawa kahit noong walang-wala pa si Carlos.

Aniya : “Kung sino ‘yung nakasama natin sa dilim na kahit nag-abot ng isang kandila, ‘yun ang ating mamahalin,

“Sila talaga ang dapat magkatuluyan, dahil sila yung nagsama at naging magkarelasyon noong walang-wala pa si Caloy” dagdag ni Cristy.

Carlos Yulo, pina-salamatan ang kanyang pamilya

Kamakailan lang ay nag-guest si Carlos sa TV show ni Willie Revillame na “Wil To Win” at natanong ni Willie si Carlos kung sino ang inspirasyon niya sa buhay.

Sagot ni Carlos: ang Diyos, ang kanyang pamilya, at ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.

Ani Carlos, “Unang-una po, si Lord, grabe po yung ibinigay Niya na talento, lakas, guidance. Sobrang blessed po ako throughout the game at sa mga naranasan ko sa buhay. Palagi Siyang nandiyan.”

Dagdag niya, “Family, siyempre, yung partner ko na palaging…grabe, yung well-being ko at mental health na nasusuportahan ako sa lahat.