Maharlika, sinupalpal si Carlos Yulo at Chloe San Jose

Maharlika, sinupalpal si Carlos Yulo at Chloe San Jose
PHOTO : Maharlika, Chloe San Jose and Carlos Yulo

Viral sa social media ang mga binitawang salita ng social media personality na si Maharlika para sa two times gold medalist sa Paris Olympics na si Carlos Yulo.

Makikita sa viral video na galit na galit si Maharlika dahil sa ginawa umano ni Carlos sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina na si Angelica Yulo.

Ina ni Carlos Yulo, mas suportado pa ang Japan kaysa sa anak
PHOTO : Angelica Yulo and Carlos Yulo

Para kay Maharlika, darating ang panahon at sisingilin ng karma si Carlos dahil aniya masakit para sa isang magulang at sa isang ina na dapat sila ang kasama ni Carlos at hindi ang ibang tao lalo na sa kanyang tagumpay.

Aniya : “Masakit para sa isang magulang.. sa isang ina na dapat sila ang kasama mo.”

Sa sobrang galit ni Maharlika, tinawag pa nito na walang utang na loob si Carlos at pinagsabihan rin nito ang mga netizens na kumakampi kay Carlos na hindi nila alam ang pakiramdam bilang magulang.

Binigyang diin rin ni Maharlika ang mga viewers niya na hindi sang-ayon sa kaniya na marahil isa rin sila sa mga rebeldeng mga anak.

“Yung mga walk-walk na nanonood dito, manahimik kayong lahat…hindi niyo alam kung paano maging magulang, wala kayong alam kasi maaring kayo ay rebelde na mga anak.” ani Maharlika.

Para naman kay Maharlika, dapat umano hindi sinusuportahan ang mga endorsements ni Carlos, dahil ang maa-ambag lamang umano ni Carlos sa kanyang mga endorsements ay ang maging suwail at bastos na anak.

Aniya : “Dapat hindi sinusuportahan ang mga endorsements niyan.. ano ipro-promote niya sa bayan? ang maging suwail na anak?”

Maharlika, sinupalpal si Chloe San Jose

Sinupalpal rin ni Maharlika ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose at tinawag niya pa itong “pambansang kipay”.

Kini-kwestyon rin nito kung paano ba pinalaki ng kanyang mga magulang si Chloe dahil hindi nito nagawang respetuhin ang mga magulang ni Carlos.

Ani Maharlika : “Paano ba pinalaki itong batang ito ng kanyang [magulang] itong si pambansang kipay (Chloe San Jose)?

“Kasi kung ako ang magulang ng pambansang kipay? hihilain ko ang kipay niyan eh! ikaw gaga ka! punyeta ka eksena ka diba.. erespeto mo ang magulang no matter what.” dagdag pa ni Maharlika.

Aminado si Maharlika na galit na galit siya kay Carlos dahil ina din siya at ramdam niya ang lungkot at sakit na dinaranas ng mga magulang ni Carlos.

Mas pinagpalit pa umano ni Carlos ang kipay o kiffy kaysa sa kaniyang mga magulang.