BINI, madi-disband ayon sa hula ng Psychic na si Jay Costura

BINI, madi-disband ayon sa hula ng Psychic na si Jay Costura
PHOTO : Jay Costura and BINI

Usap-usapan sa social media ang mga prediksyon ng tinaguriang Nostradamus ng Asia na si Jay Costura sa PPOP group na BINI.

Hindi lingid sa marami na isa ang BINI sa mga sikat na PPOP group ngayon sa bansa o maging sa buong mundo, sumikat sila sa kanilang mga kanta gaya na lamang ng Pantropiko, Salamin Salamin at maraming pang iba.

Kaya naman, labis na ikinagulat at ikinatakot ng mga “Blooms – ang tawag sa mga diehard fans ng BINI” ang naging prediksyon ni Jay matapos sabihin ng Psychic na 2-3 years nalang ay magkakaroon ng malaking problema ang grupo.

BINI will have a big problem regarding pressure

Sa prediksyon ni Jay, ang magiging problema umano ng BINI ang pressure dahil sa kanilang kasikatan, nananalangin rin ito na sana raw ay huwag lumaki ang mga ulo ng BINI members dahil ito umano ang magiging dahilan kung bakit sila madi-disband.

Ani Jay : “Ang BINI naman ay nakaka-overwhelmed, pero mabilis sila ma-disband kasi overwhelmed sila sa kasikatan, sana huwag lumaki ang ulo nila pero ang mangyayari diyan ay selosan (dahil) kung sino ang magso-solo.

“Simula ngayong taon (2024), The BINI will have 2 to 3 years and the BINI will have a big problem regarding pressure.” dagdag ng Psychic.

BINI, binatikos dahil sa ‘overpriced’ na concert tickets

Kung ating babalikan, pumalag ang maraming fans ng P-pop group na BINI dahil sa mga presyo ng ticket para sa upcoming concert ng grupo na  “Grand BINIverse.”

Ang concert ng grupo ay naka-schedule sa November 16 at 17 na gaganapin sa Araneta Coliseum.

BINI, binatikos dahil sa ‘overpriced’ na concert tickets
PHOTO : BINI / BINIverse Concert

Pero ngayon pa lang ay maraming fans na ang nagdadalawang-isip kung pupunta ba sila sa concert ng BINI dahil sa sobrang mahal ng mga ticket nito.

Inilabas ng concert organizer ang opisyal na presyo ng mga ticket, kung saan ang VIP Standing, na pinakamahal, ay nagkakahalaga ng 11,195 pesos, habang ang General Admission, na pinakamura, ay nasa 1,387 pesos.

Tumaas ang kilay ng maraming netizens, kabilang ang fans ng BINI dahil sa masyadong mahal ng presyo ng tickets.

Ayon pa sa kanila, tila overpriced o sobrang mahal daw ng tickets na parang malapit na raw sa presyo ng ticket ng mga bigating K-pop group gaya ng Blackpink at iba pang international artists.