Anak ni Kris Aquino na si Bimby, may boyfriend umano?

Anak ni Kris Aquino na si Bimby, may boyfriend umano?
PHOTO : Bimby alleged boyfriend

Naging usap-usapan sa social media ang kumakalat na mga larawan tungkol umano sa boyfriend ng anak ni Kris Aquino na si Bimby.

Makikita sa viral post ang featured image ng dalawang lalaki na naghahalikan sa beach at may caption na : “KRIS Aquino, NAPAIYAK sa PAG-AMIN ni BIMBY tungkol sa BOYFRIEND nito!”

Matapos itong pag-usapan online, nagsalita si Dindo Balares ang malapit na kaibigan ni Kris Aquino at nilinaw nito na isang malaking fake news lamang ang naturang post dahil “straight” umano si Bimby at wala itong boyfriend.

Bimby, straight at walang boyfriend

Ani Dindo : “Pati mga kaibigan ko sa entertainment media, nagme-message at nagtatanong tuloy sa akin (kahit madaling araw) kung si Bimby raw ba talaga ang nasa photos sa lumabas na fake news,”

“Sa photos — na galing pala sa post na kuha sa engagement sa beach ng masayang gay couple — parang may hawig kasi kay Bimb ang isa dahil sa built ng katawan, eyeglasses, at pati gupit ng buhok. Kagamit-gamit para kumita sa social media. Pero hindi si Bimb ‘yan.”

“Imagine kung pati journalists nga nagdadalawang-isip at halos mapaniwala na ng fake news, e, ‘di lalo na ang publiko. Sa comment threads, as usual, andami nang homophobic condemnations, judgments, at mahahalay na sinasabi,” dagdag pa ni Dindo.

Kung matatandaan, dati nang nag-trending si Bimby matapos kumasa sa “boyfriend for a day” challenge kasama ang vlogger at anak ni Ogie Diaz na si Erin.

Bimby at anak ni Ogie Diaz na si Erin, nagpakilig sa mga netizens
PHOTO : Bimby Aquino and Erin Diaz vlog

Ang video vlog na ito nina Erin at Bimby ay kuha noong pumunta ang team nina Ogie Diaz sa California para bisitahin si Kris Aquino at ang kaniyang anak na si Bimby.

Maraming netizens ang kinilig sa naturang vlog dahil ang tema ng kanilang social media content ay “Boyfriend For A Day”.

Masayang masaya si Bimby na kasama niya si Erin habang namamasyal sila sa iba’t-ibang lugar sa California, most of the clips naman ng kanilang vlog ay kuha sa Disneyland California Adventure Park.