Willie, binaba ang tawag sa contestant dahil nanonood ito sa GMA

Willie, binaba ang tawag sa contestant dahil nanonood ito sa GMA
PHOTO : Willie Revillame

Viral at usap-usapan sa social media si Willie Revillame matapos nitong babaan ng tawag ang isang contestant sa kanyang show na Wil-To-Win sa TV5.

Sa isang segment ng Wil-To-Win na “Dear Willie’, tinawagan ni Willie ang isang contestant para sana maglaro at manalo ng cash prizes ngunit matapos napag-alaman ni Willie na sa kabilang estasyon ito nanonood ay agad niya itong binabaan.

Contestant : “San ba kasing programa to?”

Willie : “Programa… ‘e ano bang pinapanood niyong programa?”

Contestant : “Sa GMA po… Family Feud.”

Willie : “Ahh ganun ba? Family Feud? eh sayang po eh Wil-To-Win to. eh salamat po, sayang nuh? sana mag wi-Wil-To-Win kayo.. Cge po enjoy watching Family Feud ba-bye! (binaba ang tawag)”

Matapos babaan ni Willie ng tawag ang contestant ay binigyang diin ni Willie na ang pagbaba niya ng tawag ay patunay na hindi scripted ang kanilang show sa TV5.

Binasa rin ni Willie sa mga viewers ang mensahe ng contestant matapos niya itong babaan ng tawag.

Ani Willie : “Family Feud pala pinapanood niyo tapos bibigyan ko pa siya ng P50,000?”

Willie Revillame na badtrip

Kung ating babalikan, kakasimula pa lamang ng bagong show ng veteran TV host na si Willie Revillame, ngunit kaliwa’t kanan na ang mga isyu na hinaharap nito.

Pinagpiyestahan at binabatikos ngayon sa social media si Willie matapos umano niyang ipahiya ng live ang kanyang mga staff.

Viral ang episode ng “Wil To Win” sa TV5 noong July 18, kung saan mapapanood na pinagalitan ni Willie ang kanyang mga staff.

Willie Revillame, sumakit ang ulo dahil sa staff ng Wil To Win
PHOTO : Willie Revillame

Nag-ugat ito dahil tila hindi alam ng staff ang gagawin kahit nag-rehearsal na sila.

Giit ni Willie, siya ang mananagot kapag hindi maganda ang kanyang programa. 

Aniya, “Naiintindihan niyo ba ako kung bakit ako nagagalit? ‘Yan po ang problema ‘pag hindi alam ang ginagawa sa show. Ako lahat ang nananagot. Tapos sasabihin niyo mayabang na naman, bina-bash niyo ako—kasi pinapaganda ko ang programa.”

Dagdag pa niya, kahit nire-rehearse na nila ang mga gagawin ay nagkakamali pa rin ang staff. 

Aniya, “Para malaman niyo lang ho, para maintindihan ninyo, nire-rehearse namin ito ha. Pag ni-rehearse, nagkakamali pa rin kami. Bakit?! Tapos sasabihin ninyo, ‘papagalitan na naman ‘yan’. Bina-bash ninyo ako…Nakita ninyo yung floor director namin dumaan sa camera. Floor director yun, may headphone yun.”