Groom, ginayuma ng Bride; sinabuyan ng asin biglang natauhan

Groom, ginayuma ng Bride; sinabuyan ng asin biglang natauhan
PHOTO : Groom, ginayuma ng Bride

Viral at usap-usapan sa social media ang isang groom na ginayuma diumano ng isang bride sa Cagayan de Oro City.

Groom ginayuma ng Bride

Ang kasal ay isang sagradong seremonya para sa dalawang taong nagmamahalan, pero paano kung inigawa ang kasal nang sapilitan?

Ayon sa mga saksi, umaga pa lamang habang nasa makeup room pa si groom napansin ng marami na medyo lutang na ito at hindi makausap ng maayos.

Wala umanong bisita na kamag-anak ang bride dahil lahat ng bisita ay mga mahal sa buhay ni groom, kaya nagtaka na sila kung bakit hindi umano sila kinakausap ni groom.

Groom, sinabuyan ng asin

Ayon sa mga ulat na lumabas online, mismong araw ng kasal nilang dalawa natauhan ang groom matapos itong sabuyan ng asin ng kanyang mga kamag-anak.

Dito na nagising, nanghina at nagtaka ang groom kung bakit siya naka wedding suit, naka make-up at ikakasal.

Si groom ay 24 years old at si bride naman ay 23, hindi natuloy ang kanilang kasal.

Wedding venue at expenses

Isang malaking scam umano ang magaganap sanang kasalan sa Pearlmont Hotel sa Cagayan de Oro City dahil lahat ng gastos sa catering at suppliers ay hindi binayaran.

Lahat umano ng suppliers ay ‘referral’ ang ginawa ni bride at walang down payment, nagpakilala siya sa mga suppliers na konektado siya sa mga sikat na vloggers gaya ni Bite King at may pupunta pa umanong senador sa araw ng kasal niya.

Ang nakakaloka, si bride ang nagplano para kasal at nag-setup ng lahat lahat from hotel, decorations, souvenirs, foods, hosts, etc.

Umabot umano sa halos PHP600,000 ang lahat ng gastos ni bride pero hindi pa ito bayad hanggang sa ngayon.

The wedding day

3pm ang oras ng kasal at naka ready na ang mga pagkain, photographer, decorations, etc. pero hanggang sa mag 8pm na at walang judge na dumating para sa civil wedding nina bride at groom.

Hanggang sa sinabuyan na ng asin si groom at biglang bumalik sa katinuan.