Juliana, nanindigang hindi dapat pinahiya ni Carlos Yulo ang ina

Juliana, nanindigang hindi dapat pinahiya ni Carlos Yulo ang ina
PHOTO : Juliana Segovia and Carlos Yulo

Nagbigay ng saloobin si Juliana Parizcova Segovia hinggil sa kontrobersiyang kinakaharap ni Carlos Yulo at ng kanyang ina na si Angelica Yulo.

Matapang niyang ipinahayag ang kanyang paniniwala na ang isang ina, gaano man kalaki ang kanyang pagkakasala, ay hindi dapat itakwil o ipahiya ng kanyang anak.

Matatandaang pinagpiyestahan sa social media ang isyu sa pagitan ni Carlos at kanyang ina matapos niyang isiwalat sa publiko na ninakaw ng kanyang ina ang mga insentibo na nakalaan para sa kanya.

Angelica Yulo, handang tanggapin si Carlos may pera man o wala
PHOTO : Angelica Yulo and Carlos Yulo

Ang pag-amin na ito ay nagdulot ng matinding kahihiyan sa kanyang ina, na umabot sa puntong nag-public apology ito at umiyak sa harap ng publiko.

Paninindigan ni Juliana sa issue ni Carlos Yulo

Ngunit para kay Juliana, gaano man kabigat ang nagawang kasalanan ng isang ina, nararapat pa rin itong igalang at hindi gawing katatawanan o ipahiya sa publiko.

Ani Juliana sa kanyang Facebook post, “Ako lang to ah! Ewan ko, pero ako, kahit anong maging kasalanan sa akin ng Nanay ko, hinding-hindi ko itatakwil, hinding-hindi ko pagkakaitan ng tagumpay na nakamit ko, hinding-hindi ko ilulubog at ipapahiya sa publiko, AT HINDING-HINDI KO PALULUHAIN NG GANITO… Nakakadurog ng puso na may isang Ina nasasaktan at umiiyak dahil sa pahayag ng isang Anak…”

Gayunpaman, umaasa si Juliana na magkaayos na si Carlos at kanyang ina at mapag-usapan ang kanilang problema nang masinsinan na hindi umano kasama ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose, upang maayos ang kanilang gusot nang walang iba pang nakikialam.

Ani Juliana, “Sana maging maayos silang mag-ina, sana makapag-usap sila na dalawa lang sila (hindi kasama si Goldie)…”

Hirit pa ni Juliana, sana raw ay maghiwalay na si Carlos at Chloe, tapos siya na lang ang maging jowa nito.

Aniya, “At sana maghiwalay na sila ni Goldie…Tapos ako na lang jowain nya para maranasan nya ang Golden Tooth…Isang napakasarap na tagumpay yun!”

Samantala, maraming netizens ang sumang-ayon sa saloobin ni Juliana hinggil sa hidwaan ni Carlos at ng kanyang ina.

Komento ng netizens:

“Kong mabuti kang anak at mabait hayaan mo na lang sana ang Mama mo na may sama ng loob sa inyo because of your GF. Pagdating ng panahon hahanapin at hahanapin mo mama mo when it’s too late.”

“Ngayon lang tumama si Juliana.”

“Tama po iyan. Napakasakit bilang isang inay na ang anak ay walang respeto sa magulang.”

“Yes, nanay ay nanay na dapat irespeto kahit ano pa ang pagkukulang o pagkakamali.”

“Labas na talaga si GF sa issue ng mag-ina para maayos agad. GF kailan lang nagkakilala sila, ang Nanay mo maraming sakripisyo sana maging okay na sila. No need na Carlos sumagot against sa nanay mo settle it in private. Congratulations.”