Kylie Padilla, confirms relationship with non-showbiz boyfriend

Kylie Padilla, confirms relationship with non-showbiz boyfriend
PHOTO : Kylie Padilla

Sa wakas ay natuldukan na rin ang matagal nang haka-haka tungkol sa bagong boyfriend ngayon ng Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Sa unang pagkakataon kasi ay inamin ni Kylie sa publiko na may bago na siyang karelasyon.

Sa latest guesting niya sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Martes, July 16, sumalang sa ‘fast talk’ portion ng programa si Kylie kung saan isa sa tanong sa kanya ni Tito Boy kung “single or ready to mingle” ba siya.

Kylie Padilla, confirms relationship with non-showbiz boyfriend
PHOTO : Kylie Padilla’s interview

Kylie sa kanyang relationship status: “I’m taken”

Ikinagulat nga ng marami nang diretsahang aminin ni Kylie na  “taken” na siya.

Ani Tito Boy, “Single or ready to mingle?”

Sagot naman ni Kylie na halatang kinikilig pa, “Ahm, taken?”

Samantala, matapos ang ‘fast talk’ ay inusisa ni Tito Boy ang bagong relasyon ni Kylie at dito ay muli ngang kinumpirma ni Kylie na taken na siya.

Aniya, “Yes, I’m taken.”

Ibinahagi ni Kylie na non-showbiz ang bago niyang karelasyon.

Ibinunyag naman ni Kylie na hindi madali ang simula ng relasyon nila ng kanyang bagong partner dahil “ipinaglaban” umano niya ito.

Ani Kylie, “Ipinaglaban ko rin yun. Ba’t lahat nalang? Ba’t pinapahirapan ako?”

Paliwanag ni Kylie, “Kasi na-reveal sa ‘kin ‘yung mga ugali ko and ‘yung mga ayokong tanggapin kasi, you know, everyone has ego. And in some way, mas hinarap ko siya ngayon this time ‘yung mga imperfections ko kasi nagko-connect siya sa pagiging nanay ko, me as a person…”

Marami umano siyang natutunang aral sa kanyang bagong relasyon.

Isa na rito ay ang mas magtiwala at huwag matakot sa kanyang sarili.

Ani Kylie, “I think of everything in life, may ituturo siya sa ‘yo. There’s a way for you to grow in everything na nangyayari sa ‘yo and you just keep going until you die, right? So meron din akong lesson dito sa relationship ko ngayon, and it taught me to just trust myself more talaga and not be too scared to be myself.”

Kylie: “When I’m with my partner, I’m normal again…”

Para naman kay Kylie, ang “best thing” sa kanyang relasyon ngayon ay mayroon na umanong “balance” pagdating sa kanyang “work life” at “personal life”.

Aniya, “In my work life, artista ako. It’s a different world, very different world. And when I’m with my partner, I’m normal again, I’m just Kylie. I’m the Kylie that grew up in Australia, I’m the Kylie na nanay lang ako, and, you know, I do normal nanay things.

“There’s no trying to keep up a certain image with a partner,” paliwanag ni Kylie.

Kylie’s rumored boyfriend

Hindi naman pinangalanan ni Kylie ang kanyang bagong karelasyon pero ito raw ang tinutukoy niya sa kanyang “through his lens” post sa kanyang Instagram.

Gayunpaman, mukhang kilala na ng netizens ang bagong karelasyon ni Kylie na umano’y ang tattoo artist sa likod ng Vimana Tattoo Studio na si Jinno John Simon.

Matatandaang usap-usapan na si Jinno ang kasamang lalaki ni Kylie sa kanyang bakasyon sa Thailand noong January 2023.

Hanggang nitong January 2024 lamang ay naispatan si Kylie na kasama si Jinno na nagsa-shopping sa isang mall.

Co-parenting setup with Aljur Abrenica

Samantala, ibinahagi naman ni Kylie ang magandang co-parenting setup nila ng kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.

Matatandaang July 2021, kinumpirma mismo ng ama ni Kylie na si Sen. Robin Padilla ang hiwalayan nila ni Aljur.

Ipinahiwatig din ni Robin na may third party sa hiwalayan nina Kylie at Aljur.

Gayunpaman, mukhang pareho nang naka-move on sina Kylie at Aljur sa sinapit ng kanilang pagsasama.

At ngayon, maayos na lamang nilang ginagampanan ang kanilang papel bilang mga magulang sa kanilang dalawang anak na sina Alas at Axl 

Ayon kay Kylie, lagi pa rin silang nagkikita at nag-uusap ni Aljur para sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. 

May bago na ring karelasyon si Aljur na si Vivamax actress AJ Raval.