Maris Racal, hiwalay na sa singer na si Rico Blanco

Maris Racal, hiwalay na sa singer na si Rico Blanco
PHOTO : Maris Racal and Rico Blanco

Ikinalungkot ng marami ang pagbubunyag ni Maris Racal tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng Rivermaya vocalist na si Rico Blanco.

Sa isang press conference ng Star Magic nitong Biyernes, July 12, inamin ni Maris na hiwalay na sila ni Rico matapos ang limang taong relasyon.

Nagsimula ang rebelasyon nang tanungin si Maris kung handa na ba siyang magpakasal kay Rico. 

Sa umpisa, sinabi ni Maris na hindi muna dahil nakatutok pa siya sa kanyang career ngayon. 

Ngunit nang muling tanungin kung nakikita ba niya ang sarili na ikakasal kay Rico, naging tahimik at emosyonal si Maris.

Maris Racal confirms breakup with Rico Blanco

Maris Racal, hiwalay na sa singer na si Rico Blanco
PHOTO : Maris Racal confirms breakup with Rico Blanco

Hanggang sa inamin ni Maris hindi na mangyayari ang kasalan dahil hiwalay na sila ni Rico. 

Ayon kay Maris, natatakot siyang sagutin ang mga tanong tungkol kay Rico dahil pagod na siyang ngumiti at tumango na lamang. 

Kaya sa unang pagkakataon, bukas niyang inamin ang kanilang paghihiwalay.

Ikinuwento ni Maris na ilang linggo pa lamang ang nakalipas mula nang magdesisyon sila ni Rico na tapusin ang kanilang relasyon. 

Ani Maris, “I’m so scared. I’m really scared, ang dami kasing tanong about him and I am tired of smiling and nodding. I’m so scared because if I announce it that is real… but, yeah, Rico and I are over. It’s fresh. It’s been weeks, loneliest and emptiest weeks I’ve ever experienced in my life.”

Ayon kay Maris, mahirap sabihin sa lahat ang kanilang hiwalayan dahil hindi ito isang simpleng bagay. 

Aniya, “Hindi ko rin siya malabas na isang statement lang kasi hindi siya ganon kadali, sobrang complicated yung situation.”

Bagama’t mahirap ang naging pag-uusap nila ni Rico, nilinaw naman ni Maris na naging mahinahon ang kanilang paghihiwalay. 

Ani Maris, “It was a very difficult talk, cause I love him so much and he loves me…It was very difficult but a very polite separation. Up to the very end of the relationship, it was still full of love and understanding.”

Maris on her relationship with Rico: “Our universe was so beautiful”

Nilinaw din ni Maris na maganda at puno ng pagmamahal, tawanan, at musika ang relasyon nila ni Rico.

Aniya, “Rico and I, our universe was so beautiful. It was full of love, laughter, music, everything. Sa five years namin together, we were always on the same page.”

Kaya hindi raw niya alam kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. 

Aminado naman si Maris na malaki ang ambag niya sa hiwalayan nila ni Rico dahil sa nakalipas na taon, malaki umano ang kanyang pinagbago at nagkaroon siya ng bagong pananaw sa buhay. 

Aniya, “I don’t know what happened to me. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life. I had visions of who I want to become, and how I want to evolve. I’m so curious about the world and the truth is, I am going through changes.”

Marami rin siyang katanungan tungkol sa kanyang sarili at kung paano magpapatuloy sa buhay na wala na si Rico sa kanyang tabi. 

Inihayag ni Maris na “one of a kind” si Rico, at kung pwede lamang niyang laktawan ang kanyang 20’s ay gagawin umano niya ito para lang makasama ito.

Ani Maris, “But I have so many questions about my life and how will I go on in life with him, and I have so many questions about me and my sense of self…And Rico is one of a kind. If only I could skip through my 20s, you know, but I can’t. I have to face it, I have to sit with my feelings and acknowledge my changes.”

Rico, tanggap ang desisyon ni Maris

Sa huli, inihayag ni Maris na malaki ang respeto niya kay Rico dahil tinanggap umano nito ang kanyang mga problema at isyu bilang isang tunay na lalaki.

Aniya, “So, yeah, I told Rico about it. I told him my problems and my issues. And he took it like a man. He took it like a man.”

Sa ngayon, wala pang pahayag si Rico tungkol sa kanilang hiwalayan.

Kung babalikan, sinusubaybayan ng marami ang kwento ng pag-ibig nina Maris at Rico na hindi karaniwan dahil sa malaking agwat ng kanilang edad na 24 taon. 

Hindi kaila sa lahat na bata pa lamang si Maris ay humahanga na siya kay Rico dahil sa husay nito sa musika.

Hanggang noong 2018, kung kailan nagsimula pa lamang gumawa si Maris ng pangalan sa pag-arte at musika, naghanap siya ng makaka-collaborate na artist.

At isa si Rico sa mga nais niyang maka-collab na agad namang pumayag hanggang sa nabuo nila ang kantang “Abot Langit”.

Samantala, sa vlog ni Dr. Vicki Belo noong nakaraang Pebrero lamang, ikwenento ni Maris na noong mga panahong gumagawa sila ng kanta ni Rico ayt wala pa siyang nararamdamang romantic feelings dito.

Unti-unti raw itong nagbago nang yayain siya ni Rico na manood ng isang musical. 

Ngunit hindi raw siya pumayag sa alok ni Rico, kaya sa isang event na inorganisa ng kanilang kaibigang si Rambo Nuñez, nagsimula ang kanilang pagtitinginan. 

Ngunit hindi nila agad inanunsyo ang kanilang relasyon at itinago ito ng dalawang taon sa takot ni Maris na makaapekto ito sa kanyang showbiz career.

Sa katunayan, sa Las Vegas, Nevada sa Amerika pa nangyari ang kanilang unang date.

Hanggang noong 2021, sa gitna ng pandemya, napagtanto ni Maris na hindi mahalaga ang sasabihin ng iba kundi ang kanyang pamilya at mga nagmamahal sa kanya. 

Kaya noong May 2021, isinapubliko nila ni Rico ang kanilang relasyon.