Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr., finally engaged na

Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr., finally engaged na
PHOTO : Zeinab Harake and Bobby Ray Parks Jr.

Viral sa social media ang mga larawan na kuha mula sa engagement at proposal ng vlogger na si Zeinab Harake at ng basketball player na si Bobby Ray Parks Jr.

Sa wakas kasi ay nag-propose na at niyaya nang magpakasal ni Ray Parks si Zeinab, ibinida rin nito ang bonggang singsing para sa vlogger na makikita sa isang proposal video.

Bago mag-propose si Ray Parks kay Zeinab, humingi muna ito ng blessings sa mga mahal sa buhay ng vlogger, nangako din ang basketball player na mamahalin rin niya ang dalawang anak ni Zeinab.

Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr., finally engaged na
PHOTO : Zeinab Harake and Bobby Ray Parks Jr. proposal

“I know you are the right man”

Hindi lang si Zeinab ang na-surprise sa proposal ni Ray Parks para kay Zeinab dahil pati ang ama ng vlogger ay naging emosyonal rin.

Makikita kung paanong masinsinan na kinausap ni Ray Parks ang ama ni Zeinab na isa sa mga unang nakakita sa singsing na ibibigay niya sa vlogger.

Mismong sa engagement ng dalawa ay emosyonal ang ama ni Zeinab, makikitang malaki ang tiwala nito kay Bobby Ray Parks dahil alam niya na ang basketball player na ang para talaga sa kaniyang anak.

Ani ng ama ni Zeinab : “I know you are the right man.”

Zeinab Harake and Bobby Ray Parks proposal

Sobrang nasorpresa at napaiyak na lamang si Zeinab sa inihandang proposal party ni Ray Parks Jr. upang itanong sa kanya ang “Will you marry me?”

Panimula ni Ray Parks : “I believe God brought us together as a token of his love for us,

“I’m truly blessed to call you my best friend, my lover and my biggest supporter… Zeinab Harake, would you make me the happiest man in the world?”

Sagot ni Zeinab : “Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa kasal dahil na rin sa pinagdaanan ko sa buhay pero noong dumating si Ray sa buhay ko, doon ko naano ‘yung sarili ko na magse-settle ako sa taong ‘to.

“Kasi nakikita ko sa kanya ‘yung future na alam kong maiintindihan niya ako kahit sa pinakamahirap na sitwasyon pa ng buhay natin,”

“So, sumugal ako. Sumugal ako ngayon with our lives… buhay naming tatlo ng mga bata binibigay ko sa’yo kasi naniniwala ako sa Diyos, sa’yo and you deserved it daddy. Deserved mo ang ‘YES’.” dagdag pa ni Zeinab.