Bimby at anak ni Ogie Diaz na si Erin, nagpakilig sa mga netizens

Bimby at anak ni Ogie Diaz na si Erin, nagpakilig sa mga netizens
PHOTO : Bimby Aquino and Erin Diaz vlog

Viral sa social media ang latest vlog ng anak ni Ogie Diaz na si Erin kasama ang anak ni Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap.

Ang video vlog na ito nina Erin at Bimby ay kuha noong pumunta ang team nina Ogie Diaz sa California para bisitahin si Kris Aquino at ang kaniyang anak na si Bimby.

Maraming netizens ang kinilig sa naturang vlog dahil ang tema ng kanilang social media content ay “Boyfriend For A Day”.

Kahit mas nakakatanda ang anak ni Ogie Diaz na si Erin kay Bimby, game na game parin ang anak ng Queen Of All Media na si Kris na magpanggap bilang boyfriend ng kaniyang ate [Erin].

Masayang masaya si Bimby na kasama niya si Erin habang namamasyal sila sa iba’t-ibang lugar sa California, most of the clips naman ng kanilang vlog ay kuha sa Disneyland California Adventure Park.

Bimby at anak ni Ogie Diaz na si Erin, nagpakilig sa mga netizens
PHOTO : Bimby Aquino and Erin Diaz vlog

Maraming netizens ang kinikilig kapag sinasambit ni Bimby na si Erin umano ang kaniyang “first girlfriend” at mas kinilig pa ang mga viewers matapos tawagin ni Bimby si Erin na ‘Honey”.

Netizens, humiling ng Part 2 kina Bimby Aquino at Erin Diaz

Dahil sa lakas ng chemistry ng dalawa, humiling ang mga netizens ng part 2 kina Bimby at Erin, nalaman kasi ng mga netizens na uuwi na si Bimby sa Pilipinas at nagbabasakali silang gawin ang part 2 dito sa ating bansa.

Gusto ng mga netizens na sa Pilipinas gawin ni Bimby at Erin ang part 2 ng kanilang vlog at mamasyal sa Luneta, kumain ng mga street foods at mamasyal sa mall.

Ani ng netizen : “Please, sana may part 2 at sa Pilipinas niyo naman gawin like mamasyal kayo sa mall, mag try ng mga street foods at gumala sa luneta. grabe super kinikilig parin kami hanggang ngayon.”

Kris Aquino may new boyfriend

Inamin ni Kris Aquino na ang new boyfriend niya ay isang Doktor at ito ang bagong nagpapatibok sa kaniyang puso.

New boyfriend ni Kris Aquino, isang magaling na Doktor
PHOTO : Kris Aquino and Ogie Diaz

Inamin ito ni Kris sa exclusive interview sa kanya ng talent manager at matalik niyang kaibigan na si Ogie Diaz, na in-upload noong June 29.

Ayon kay Kris, isang magaling na doktor ang kanyang new boyfriend, at isa raw ito sa dahilan kung bakit mabilis niya itong nakapalagayan ng loob.

Aniya, “Hindi naman love life but it just flowed, nangyari. And he’s a doctor. And I think that’s part of the reason why it was easy. Kasi alam niya ako anong pinagdadaanan ko.”

Hindi naman pinangalanan ni Kris Aquino ang kaniyang new boyfriend.