Pumalag ang mga netizens dahil sa muling pagbabalik diumano ni James Reid sa ABS-CBN, si Kathryn Bernardo umano ang makakatambal niya.
Kung ating babalikan, taong 2019 pa ang huling show ng aktor-singer na si James Reid at ito ang ‘Idol Philippines’, na isa siya sa mga hurado.
Ipinakilala naman ang mga bagong set ng mga judges para sa PGT season 7 at isa sa napusoan ng management ay ang aktres na si Kathryn Bernardo.
Lumalabas naman ang mga balita na tatapusin lamang diumano ang PGT 7 o ‘Pilipinas Got Talent’ at ipapakila na ang loveteam nina Kathryn at James.
Hindi lingid sa marami na matapos ang pitong taon na paghihintay ay muling mapapanood ang bagong season ng Pilipinas Got Talent sa TV at online.
Huling umere ang PGT season 6 taong 2018, itinanghal bilang Grand Champion si Kristel de Catalina na isang spiral pole dancer mula Antipolo, Rizal.
Una namang umere ang first ever season ng PGT taong 2010, itinanghal bilang Grand Champion noon ang yumaong singer na si Jovit Baldivino.
James Reid, suki ng mga big brands
Dahil sa mga balita na pagbabalik showbiz ni James, tila wala umanong katapusan ang mga tawag na natatanggap ng aktor mula sa mga big brands para kunin siyang brand ambassador.
Samantala, tungkol naman sa lovelife ni James, tila strong at nagmamahalan parin sina James ay Issa Pressman dahil sunod sunod parin ang mga ganap kung saan spotted lagi ang dalawa.
James at Kathryn, may bagong serye na niluluto
Ayon naman sa ibang news site, nakaka excite umano dahil nakarating na sa kanila ang tungkol sa bagong serye na niluluto para sa bagong loveteam na sina James at Kathryn.
Hindi pa naman kinumpirma ang mga balitang ito pero marami na sa mga netizens ang excited kung totoo man na ang ‘KathReid’ na ang bagong loveteam na aabangan natin sa showbiz.