Kathryn, binatikos ng netizens matapos napili bilang PGT 7 judge

Kathryn, binatikos ng netizens matapos napili bilang PGT 7 judge
PHOTO : Kathryn Bernardo

Hindi nakatakas sa batikos mula sa mga netizens ang aktres na si Kathryn Bernardo matapos ipakilalang isa sa bagong hurado ng PGT 7.

Hindi lingid sa marami na matapos ang pitong taon na paghihintay ay muling mapapanood ang bagong season ng Pilipinas Got Talent sa TV at online.

Huling umere ang PGT season 6 taong 2018, itinanghal bilang Grand Champion si
Kristel de Catalina na isang spiral pole dancer mula Antipolo, Rizal.

Una namang umere ang first ever season ng PGT taong 2010, itinanghal bilang Grand Champion noon ang yumaong singer na si Jovit Baldivino.

Kathryn Bernardo, isa sa PGT 7 judge

Ipinakilala naman ang mga bagong set ng mga judges para sa PGT season 7 at isa sa napusoan ng management ay ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Tila tumaas naman ang kilay ng mga netizens dahil hindi umano bagay ang aktres na maging hurado.

Ang mga bagong set of judges na napili para sa PGT 7 ay sina Freddie Garcia o ‘FMG’, Eugene Domingo, Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo.

Kathryn, inokray

Tila hindi bet ng mga netizens na maupo bilang hurado ang aktres na si Kathryn Bernardo sa PGT 7 dahil hindi umano nila mahanap ang mga talento ng aktres kung bakit sya ang kinuha ng management.

Komento ng mga netizens :

“Naku boring yan mahina naman c girl [Kathryn] ikot ikot lng yan ng lips nya..”

“Pangit ng line up kasawa puro katlyn dpat bigyang nman ng ibng artist niyo kpamiya Dapat si Sarah G nlng mgaling sumyaw mgaling kumanta”

“mga fans lng yan ni kath ang may gusto…hahhahh matalino nga..di namn lahat alam..lalo na sa mga talent”

“Bakit kailangan pilitin kong wala nman kakayahan sa sa pagiging judge,maraming mahusay,wag mamilit kong ayaw”

“Parang si FMG lang ang deserve…. hindi nman ako against sa 3 judges pero sana iba n lng….”

Mga fans ni Kathryn, excited na

Kahit maraming komento mula sa mga netizens ay puro pambabatikos sa kakayahan ni Kathryn bilang hurado, marami rin sa kanyang mga fans ang excited na para sa PGT 7.

Ani ng kanyang fans : “Kayo kaya ang mag produced para kayo mag decide sino judges kung ayaw nyo sa mga judge edi wag kayo manood.”

“Excited for Kath and Uge, si Donny magaling mag judge yan.”

“Ang saya anjan c donny at kath manonood ako nito.”

“Wow aabangan qu talaga andian c kath judge sa PGT.. Love you queen kath.”