Game na game na nakipag-kulitan at nag-guest sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano sa latest Youtube vlog ni Alex Gonzaga.
Tahimik, mahinhin, at konserbatibo—ganyan kung ilarawan ng marami ang TV host-actress na si Toni Gonzaga, lalo na pagdating sa kanyang pananaw sa relasyon at pagpapakasal.
Kilala siya bilang isang babaeng may matibay na paniniwala sa moral values, at hindi lingid sa publiko na ang kanyang asawa na si Direk Paul Soriano lamang ang naging kaisa-isang lalaki sa kanyang buhay.
Matapos ang mahigit walong taong pagiging mag-asawa, tila nagbago na ang ihip ng hangin pagdating sa kanilang intimacy.
Kung noon ay tahimik at reserved si Toni, ngayon, siya na mismo ang unang nangangalabit kay Direk Paul.
Ang Love Story nina Toni at Direk Paul
Nagsimula ang kwento ng pag-iibigan nina Toni at Direk Paul noong 2007.
Sa loob ng walong taon ng kanilang relasyon, napanatili ni Toni ang kanyang pagiging virgin—isang bagay na ipinagmamalaki niya bago ang kanilang kasal noong June 12, 2015.
Sa isang panayam noon, inamin ni Toni na si Direk Paul lang ang lalaking minahal at dumaan sa kanyang buhay.
“I take pride in myself na si Paul lang ang lalaki sa buhay ko,” aniya.
Pero sa paglipas ng panahon, tila mas naging open na siya sa kanilang intimacy bilang mag-asawa—at ayon kay Direk Paul, si Toni na mismo ang mas madalas mag-initiate pagdating sa kama.
Derek Paul, ibinuking na si Toni ang unang nangangalabit sa kanila
Sa latest episode ng YouTube channel ni Alex Gonzaga noong Pebrero 16, sumabak sina Toni at Direk Paul sa “Answering Hot Questions In Front of Your Partner” challenge kasama sina Alex at asawa nitong si Mikee Morada.
Isa sa mga tanong ay: “What’s the most significant change you have seen in your relationship over the years?”
Diretsong sagot ni Direk Paul, mas nagiging bukas na raw si Toni pagdating sa mga nararamdaman at gusto nito.
Bukod dito, mas sweet na rin umano si Toni ngayon.
Sa katunayan, si Toni pa nga raw ang unang nagyaya na mag-s3x sila.
Ani Direk Paul, “Mikee and Tin are the same. Very quiet before. Ngayon very outspoken. Communicating more now… telling me how she feels, what she wants… and of course, sweeter. Minsan siya talaga nagyaya ng sex all the time.”
Mabilis namang pumalag si Toni dahil sa pambubuking ni Direk Paul sa kanya.
Aniya, “Ito naman nakakaano eh. Hindi naman nakakatawa ‘yong mga ganoon, sinasama pa ‘yung mga ganu’n.”
Aminado naman si Toni na parehas ng “humor” sina Direk Paul at Alex at idinadaan umano ng dalawa sa “green jokes” ang kanilang pagpapatawa.
Dagdag pa niya, “Pareho kasi sila ng humor [ni Alex]. Dinadaan nila sa bastos para matawa sila sa isa’t isa.”
Sa kabila nito, inamin ni Toni na isa sa malaking pagbabago sa kanilang pagsasama ay ang pagiging mas involved niya sa buhay ni Direk Paul.
Aniya, “Ako, ang significant change kay Paul…ngayon, talagang everything ito na, ito na talaga lahat ginagawa ko.”
Paliwanag niya, “Eh kasi dati nga wala akong pakialam sa gano’n… ngayon, nangingialam na ako sa lahat. Lahat pinapakailaman ko na. ‘Ano ‘yan? Sino ‘yan? Ano’ng mayroon diyan?’”
Sa huli, pabirong hirit ni Direk Paul, “To the point ‘yung mga brief ko rin binibili na niya.”
Mukhang hindi lang sa intimacy naging mas hands-on si Toni, pati na rin sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay mag-asawa!