Nakatanggap ng suporta mula sa women’s rights group na Gabriela ang DJ na si Jellie Aw matapos ang insidente ng pananakit sa kanya ni Jam Ignacio.
Sa isang opisyal na pahayag, kinilala ng Gabriela ang tapang ni Jellie sa paglalantad ng kanyang sinapit at nangakong susuportahan siya sa paghahanap ng hustisya.
Ayon kay Gabriela Secretary General Clarice Palce, masyadong maraming kababaihan ang natatakot magsalita dahil sa stigma at banta sa kanilang kaligtasan.
Pananakit kay Jellie Aw, mariing kinondena ng Gabriela
Matatandaang noong Pebrero 12, nag-viral sa social media ang mga larawan ni Jellie na duguan at bugbog-sarado.
Sa kanyang post, direkta niyang itinuro si Jam bilang may kagagawan ng pananakit.
Ayon naman kay Jellie, nag-ugat ang insidente matapos umanong pagselosan ni Jam ang isa niyang kasamahang DJ.
Mula sa simpleng pagtatalo, nauwi raw ito sa pananakit ni Jam.
Ikinuwento naman ng kapatid ni Jellie na si Jo Aw na sapilitan umanong isinakay ni Jam si Jellie sa kanyang sasakyan at habang nasa biyahe patungong Pampanga, patuloy niya itong sinaktan.
Mabuti na lamang at nakahanap ng pagkakataon si Jellie na humingi ng saklolo sa isang toll gate teller matapos hindi gumana ang RFID ni Jam dahilan upang makaligtas siya.
Gabriela, suportado si Jellie Aw
Dahil sa insidente, nanindigan ang Gabriela sa kanilang panawagan laban sa karahasan sa kababaihan.
Ayon kay Palce, ang nangyari kay Jellie ay sumasalamin sa libu-libong kababaihan na tahimik na nagdurusa sa kamay ng kanilang mga abusadong kasosyo.
Pahayag ni Palce sa pamamagitan ng isang Facebook post, “We recognize the courage it took for DJ Jellie Aw to publicly speak out about the abuse she suffered at the hands of her fiancé. We stand behind her in her fight to hold Jam Ignacio accountable for his crimes.”
Binigyang-diin ng organisasyon na maraming kababaihan ang nahihirapang magsumbong sa mga kasong h@rassment at pananakit dahil sa takot, kahihiyan, at pangamba sa kanilang kaligtasan.
Sambit ni Palce, “Ms. Jellie’s experience resonates with thousands of women and children in communities who suffer abuse within and outside their homes. It is paramount that we unite to end VAWC, including r@pe and s3xual expl0itation, which has seen an alarming rise, particularly among young women and girls.”
Hinimok din ng grupo ang publiko na suportahan si Jellie at ang iba pang biktima ng domestic violence upang mapanagot ang mga salarin.
Aniya pa, “Rise with us and lend your voice to the call to end violence against women and children. Rise for freedom from abus3 and expl0itation. Rise for justice.”
Jellie Aw, Jam Ignacio and Karla Estrada
Si Jam Ignacio ay dating karelasyon ng aktres at TV host na si Karla Estrada.
Nagkarelasyon sila noong 2019 at naghiwalay noong 2024.
Samantala, noong Nobyembre ng nakaraang taon, inanunsyo nina Jellie at Jam ang kanilang engagement matapos ang apat na buwang relasyon.
Sa kabila ng mga sweet posts nila sa social media, hindi inakala ng marami na hahantong sa ganitong trahedya ang kanilang pagsasama.
Jellie, may panawagan kay Jam
Sa ngayon, nagpapatuloy ang paghahanap kay Jam upang harapin ang mga kasong isinampa ni Jellie laban sa kanya.
Mensahe naman ni Jellie kay Jam, “Ang message ko lang po sa kanya, madali magpatawad pero ‘yung ginawa niya sa akin, hindi ko makakalimutan. Iba ‘yung trauma e. Lagi ko naalala ‘yung ginawa niya sa akin… Ang gusto ko lang Jam, harapin mo ‘yung ginawa mo sa akin.”