Binigyang diin ni Marilag o Teacher Herlyn Manglicmot na walang cheating sa pagitan nila ni Nathaniel Titular at sa ex-girlfriend nitong si Abigail Sobreo.
Nais linisin ni Teacher Herlyn ang kanyang pangalan matapos itong madumihan sa social media, ilang araw rin siyang nakatanggap ng samu’t-saring batikos at mga pamumuna mula sa mga netizens.
Saan nagsimula ang mga batikos kay Teacher Herlyn o Marilag?
Kung ating babalikan, naging usap-usapan ng mga netizens sa social media ang pag-exposed ni Abigail ng mga private conversations ng kanyang ex-boyfriend na si Nathaniel.
Dito na nadawit si Teacher Herlyn at tuluyan na siyang nakaladkad sa issue ng dalawa, pinapalabas sa naturang screenshots na siya ang naging thirdparty diumano ni Nathaniel.
Naka-highlight rin sa naturang post ang katagang ‘7 years vs 2 weeks’ na naging most talked topic online.
7 years vs 2 weeks
Ang nasa 7 years relationship ay ang relasyon nina Abigail at Nathaniel, samantala ang 2 weeks naman diumano ay ang relasyon sa kasalukuyan nina Nathaniel at Teacher Herlyn o Marilag.
Caption pa ni Abigail : “7 years over 2 weeks (daw). Hindi ko ineexpect na hahantong tayo sa gantong sitwasyon. Yung dadating sa point na yung kinakatakot kong mangyare and inaakala kong hinding hindi mo magagawa sakin is nagawa mo,
“Yung mga hinala ko sayo sinabi mo sakin na hindi lahat totoo yon na ‘wala lang yon. Pero hindi pala, dahil simula nung binigyan mo ko ng dahilan para mag selos at maghinala sa inyong dalawa. Mas lalong akong hindi napanatag.” dagdag niya.
Teacher Herlyn [Marilag] humingi ng permiso sa kanyang paaralan
Dahil sa kaliwa’t-kanang batikos na kanyang natatanggap mula sa netizens, minabuti ni Teacher Herlyn na humingi ng permiso sa paaralan kung saan siya nagtuturo.
Sa sulat na ipinadala ni Teacher Herlyn sa naturang paaralan, humingi siya ng permiso upang sagutin ang lahat ng akusasyon laban sa kanya at upang malinis ang kanyang pangalan.
Bahagi ng sulat ni Teacher Herlyn : “I am writing with the utmost humility and respect to formally request permission to publicly address the allegations that have unjustly tarnished my name and, by extension, the institution I proudly serve.
“I have been cast as the villain in a story that has circulated widely, and in the court of public opinion, silence is often mistaken for guilt. I fear that if I do not take this opportunity to speak the truth while the issue is still relevant, my name will remain stained forever, even though I have never been given the chance to defend myself.
“hoping that you will allow me to reclaim my dignity and restore the reputation that has been unjustly taken from me.” dagdag ni Teacher Herlyn.
Teacher Herlyn at Nathaniel, walang relasyon
Taong 2023 nilinaw ni Teacher Herlyn kay Abigail na walang namamagitan sa kanilang dalawa ni Nathaniel, nagawa pa ni Teacher Herlyn na makipag-usap gamit ang account ng kanyang boyfriend na si O’neil kay Abigail.
Mensahe ni Teacher Herlyn kay Nathaniel : “Sir Nath, Pinabasa saakin ni BF ko [O’neil] yung messages ni GF mo sa kanya.
“as if namang may namamagitan sating dalawa, grabe yung terms na ginamit na “iba na pala nangyayari” and “mga teacher pa naman sila”, tsaka ako LAGI nag aaya ng tiktok? НАНАНАНАНА
“plus nakikita ko shared post and comments ng friends niya as if namang inagaw kita at may relasyon tayo? Pakipaliwanagan ng siya directly and nag reply ako.” ani sa convo.
Sa ngayon, laman ng social media na maaaring magsampa ng kaso si Teacher Herlyn laban kay Abigail dahil sa naging hakbang nito na pag-exposed ng kanilang private convos sa social media.