Hindi nakailag ang vlogger na si Papi Galang sa pangre-realtalk sa kanya ng kapwa vlogger na si Madam Kilay patungkol sa sunod-sunod niyang pagbubuntis.
Sino si Papi Galang?
Si Charisse Galang, o mas kilala bilang Papi Galang ay isang kilalang internet personality, at miyembro ng Toro family.
Bukod sa kanyang talento sa pagsasayaw at walang filter na pananalita, nakilala si Papi dahil sa sunod-sunod niyang pagbubuntis.
Sa katunayan, noong July 2024 lamang ay isinilang ni Papi ang pangatlong anak nila ng kanyang partner na si Harvey.
Papi Galang, muling nabuntis sa pang-apat na pagkakataon
Hanggang nitong January 2025 lamang ay ginulat ni Papi ang lahat nang inanunsyo niyang buntis ulit siya sa pang-apat na anak nila ni Harvey.
Ani Papi : “Tinago ko muna na buntis ako dahil ‘yong mga naramdaman ko ang mga symptoms na parang buntis ako, is pumunta agad ako sa clinic para magpa ultrasound and nakita don sa ultrasound na normal ang uterus ko.”
Dagdag niya, “Andun pa din naman yung pelvic congestion ko, may PCOS, pero ang nipis ng lining ko and walang baby, walang signs of pregnancy at all. So, gulong-gulo yung utak ko. Unsure ako if this is real or true pregnancy or nag fa-false positive lang siya “
Payo ni Madam Kilay kay Papi Galang
Samantala, hindi nga makapaniwala si Madam Kilay na buntis ulit si Papi.
Sa latest episode ng reality show ng ToRo family, nag-react siya sa sunod-sunod na pagbubuntis ni Papi, tinawag pa ni Madam Kilay si Papi ng “pakarat”.
Aniya, “Buntis na naman? pakarat ang p*tang ina.”
Sagot naman ni Toni Fowler : “Pakarat diba?”
Kasunod nito ay diretsahang sinabihan ni Madam Kilay si Papi na isarado muna ang kanyang kiffy kahit dalawang taon lang.
Ani Madam Kilay : “Hindi ganun Papi, hindi porke’t may pepe tayo pakaras ng pakaras ah. Isarado mo muna yan, kahit dalawang taon lang oh.”
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens ang payo ni Madam Kilay kay Papi kung saan may ilang netizens ang sumang-ayon at may mga hindi.
Giit ng ilang netizens, may punto raw si Madam Kilay lalo pa’t sobrang ikli lang ang pagitan ng pagbubuntis ni Papi.
Batay sa ilang health websites, delikado ang sunod-sunod na panganganak dahil maaaring magdulot ito ng malubhang epekto sa kalusugan ng ina, tulad ng kakulangan sa nutrisyon at pisikal na pagkapagod.
Maaaring magdulot din ito ng panganib sa kalusugan ng mga anak, lalo na kung hindi nabibigyan ng sapat na oras ang katawan ng ina para mag-recover.
Gayunpaman, para sa ilang netizens, walang masama kung buntis uli si Papi, at ito pa nga ay isang biyaya dahil maraming mag-asawa ang nahihirapan magkaroon ng anak.
Ibinahagi nila na ang pagpapamilya ay isang blessing at higit sa lahat, ang mahalaga ay kayang buhayin ni Papi ang kanyang mga anak.