Tila nadawit ang aktres na si Barbie Imperial sa breakup nina Barbie Forteza at Jak Roberto, isang netizen kasi ang napa-komento sa latest post ni Imperial.
Sa isang social media post ni Imperial, dito napa-komento ang isang netizen na tila naliligaw at ibang Barbie ang binuhusan niya ng kanyang pagka-dismaya.
Ani ng netizen : “HIWALAY NA PALA KAYO NI JAK PERO MASAYA KAPA”
Sagot ni Barbie Imperial : “???”
Tila nagiging ‘meme’ na talaga sa social media ang pag-komento ng mga netizens sa mga showbiz personalities online lalo na’t sila ay magka-pangalan.
Barbie Forteza at Jak Roberto Breakup
January 2, kinumpirma ng Kapuso aktres na si Barbie Forteza ang hiwalayan nila ng aktor na si Jak Roberto matapos ang 7 years nilang relasyon.
Hindi naman masasakit na salita ang binitawan ni Barbie tungkol kay Jak at tila mas pinuri niya pa ito dahil sa masasaya nilang pinagsamahan.
Ani Barbie : “Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.
“Your love was exceptional.
“But sometimes, good things fall apart so better things can come together.
“Beautiful goodbye, Jak.
“Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.
Nanawagan naman ang aktres na sana ay maintindihan ng kanilang mga fans ang naging desisyon nilang dalawa ni Jak.
Dagdag pa niya : “I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest.”
Rason sa hiwalayan nina Barbie at Jak
Sa mahabang post ni Barbie, hindi niya nabanggit ang tunay na dahilan sa paghihiwalay nila ni Jak.
Kung matatandaan, matagal nang usap-usapan sa social media ang kanilang hiwalayan ngunit palagi nilang ito pinabubulaanan.
Binigyang diin rin ni Barbie noon na ang relasyon nila ng kanyang on-screen partner na si David Licauco ay bilang ‘business partners’ lamang at wala ng hihigit pa.
Ani Barbie : “Hindi naman po kasi magkaibigan po sila ni David and kami ni David malinaw sa aming dalawa na this is a business partnership.”