Pinay, pinatay ng asawa niyang afam sa Slovenia, Europe

Pinay, pinatay ng asawa niyang afam sa Slovenia, Europe
PHOTO : Pinay, pinatay ng asawa niyang afam sa Slovenia, Europe

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang pinay na pinatay ng isang afam sa Slovenia pitong araw matapos silang dumating sa Europe.

Batay sa mga balita mula sa Slovenia, pinatay ng 30-taong gulang na Slovenian na si Mitja Kocjančič ang kanyang asawang Pilipina na si Marvil Facturan-Kocjančič sa loob ng kanilang apartment sa Bled, Slovenia.

Pitong araw matapos silang makarating sa Slovenia nangyari ang krimen, ayon sa mga ulat ang dalawa ay nagpa-kasal noong July 16, 2024.

Noong Disyembre 22, 2024 dumating si Marvil Facturan-Kocjančič kasama ang kanyang asawa sa Slovenia upang ipagdiwang ang holiday season.

Ito rin ang unang pagkakataon na magdiriwang sila ng Pasko sa nasabing bansa.

Nag-post pa ang asawang si Mitja ng “Life is good!” at “Best Christmas so far” kasama ang mga larawan ng kanyang asawa na isang Pinay.

Bangkay ng Pinay, natagpuan

Ilang araw lang ang nakalipas ay natagpuan na lamang ang bangkay ng Pilipina sa loob ng kanilang apartment.

Kinumpirma rin ito ng kanilang mga kapitbahay na nakarinig umano sila ng mga sigaw ngunit hindi sila tumawag sa mga awtoridad dahil akala nila ay away mag-asawa lamang.

Matapos ang krimen, dinala ang suspek sa isang psychiatric ward at nalaman nila na ang biktima ay may mga pasa sa katawan bago siya pinatay sa pamamagitan ng pananaksak.

Ang asawang si Mitja ay isang motivational speaker tungkol mental health at fighting against obesity.

Napag-alaman rin na ang suspek ay may history ng problema sa pag-iisip o psychiatric disorder, at ito ang kanyang ibinabahagi sa kanyang public speaking para magbigay ng inspirasyon sa iba matapos rin niyang malampasan ang naturang sakit.

Dahil sa nangyaring krimen, humihiling ng hustisya ang pamilya at ang mga kamag-anak ng Pinay na pinaslang.

Narito ang komento ng mga netizens :

“That’s why wag masydong magpadala agad sa masasarap nilang salita.Yung ibang afam kasi may something din tlga.”

“Wag kc masyadong magtiwala gamitin ang utak wag ang kakati.. Pra di mapahamak, dipa kau nadala ang dami ng badnews na kgaya nito”